Kabanata 49
"Sigurado ka bang kaya mong gumala dito sa school?"
I nodded. "Okay naman na ako."
"Baka mabinat ka." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Hinawakan ko ang kamay ni Ella at matamis na ngumiti. "I can handle. I'm the Spade, remember? I just can't let this little asthma spoil me."
"Kung maka-little asthma ka parang hindi ka na-coma ng isang linggo sa ospital ah? Dagdag mo pa ang pambubugbog nil," sarkasmong sabad ni Wenchie sa usapan.
I chuckled and breathe out. "Okay lang talaga ako."
"Hey, guys!" nakangiting bati ni Janice nang lumapit sa pwesto naming tatlo.
Nalukot ang mga mukha ng katabi ko. "Anong ginagawa mo dito? May inutos na naman ba si Ate?" mataray na salubong ni Ella sa kanya.
Bumakas ang pagkaguilty sa mukha niya. "N-no."
"Tapos? Anong ginagawa mo dito?" Nanatiling mataray ang mukha ni Ella.
Yumuko si Janice at kinamot ang kanyang batok. "I-i just want to say sorry for what they've done towards you."
"Hindi mo na kinakailangan pang magsorry. Hindi naman ikaw ang may kasalanan." I smiled. Mabait naman si Janice. Hindi ko alam kung paano niya naging kaibigan sina Kelly at Annalise.
"Don't smile like that to your enemy."
Nag-angat ako ng tingin at namataan ko si Jennie na nakataas ang isang kilay at naglalakad papunta sa pwesto namin.
"Jennie..." I whispered.
Hinarap ni Jennie si Janice at tinarayan. "Alam mo, ikaw? Kung gusto mong makipagkaibigan sa babaeng ito..." She pointed me. "Stay away from Kelly. At ikaw naman..." Ako na naman ang hinarap niya at muling tinaasan ng kilay. "Huwag kang masyadong mabait. People are taking advantage of your kindness."
Umalis ito sa canteen, leaving us dumbfounded. Anong meron? Bakit ganun ang pag-uugali ni Jennie? At bakit ngayon lang siya nagpakita?
"Okay... That was, that was... Hindi ko maexplain," unang bawi ni Ella.
"Natasha! Ella! Wenchie!" Napatingin naman ako sa entrance ng canteen. "Magsisimula na ang archery. Manood tayo!"
--
"Repeating, contestant for Class A of third year college. Please proceed," anang Emcee sa pangatlong beses ngunit walang pumunta.
"Umatras ba representative natin?" bulong ni Wenchie.
"Ewan." Nagkibit-balikat si Ella.
"Calling the attention of Natasha Venice Aurin, the newest Queen of Arrow. Please proceed to present your section."
Napangnga ako nang wala sa sarili. "Ano daw?"
"Laban ng former at new. Magandang laban ito." Pambubuska sa akin ni Wenchie.
Inirapan ko lang ito. Nagulat naman ako nang sumigaw si Ella. "Kakalabas pa nga lang niya ng ospital, ipapasabak niyo na sa laro? Kayo kaya bugbugin ko?!"
Hinawakan ko ang kamay ni Ella at mahinang pinisil saka siya nginitian. "I can handle."
"Sigurado ka ba?"
I nodded. "I'm fine. Watch me."
Naglakad ako papuntang pwesto kung saan ang pwesto ng section namin. As I reached the spot, I wander my eyes around. Sobrang dami ng tao na mas lalong dumami nang magsalita ang emcee.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...