Kabanata 17

34.9K 1K 152
                                    

Kabanata 17

"Maraming salamat talaga, Hijo, Hija. Akala ko ay di ko na makikita ang anak ko," anang Ginang habang karga at yakap ang bata.

"Walang anuman po. Nakaka-enjoy naman pong kasama si Julia," nakangiting sagot ni Red.

Napatitig ako sa kanya habang kausap ang Ginang. Ito ang unang beses na makita ko siyang hindi pilosopo, hindi masungit, at nakangiti.

"Aalis na kami," ani ng Ginang. Yumuko ako ng konti habang tumango naman si Red.

"Ang kulit na bata ni Julia no?" wika ko habang bumalik kami malapit sa barandilya kung saan kami nag-agawan ng phone kanina.

"Yeah. I didn't even noticed the time," sagot niya. Dumakwang siya sa railing, ganoon din ako.

"Nga pala, saan mo natutunang umalo ng bata? " tanong ko habang tanaw ang Taal lake.

"My ex." Sumulyap siya sandali sa akin. "She has a niece from her cousin, she thought me how to tame a baby."

Tango lang ang sagot ko. "Grabe 'no? Ilang taon ba kayo?"

"Hmm. I think we've last for almost two years," sagot niya.

Tumango ako sa sinabi niya. "Sayang naman ng pinagsamahan niyo."

Nakita kong nag kibit-balikat lang siya. "I don't guess so."

Inismiran ko siya sa kanyang isinagot. "Che! Kala mo hindi naging heartbroken nung iniwan ka. Sabi-sabi nga nila na halos gabi-gabi kang lulong sa alak 'tsaka di kumakausap ng ibang tao. Neknek mo!"

"Stop being so loud!" balik sigaw nito.

Inirapan ko nalang siya at binalik ang aking atensyon sa Taal lake. "Pasensya na. Ganito ako kung komportable na ako sa isang tao."

"Ow, the demure mask has fallen down," pambubuska nito.

"Neknek mo." 'yan ang sinagot ko.

Tahimik lang kaming nakatanaw sa lawa. Di ako makapaniwala na makakapunta ako sa lugar na ito. Parang nung sa grade six ako, hanggang sa libro lang ang imahinasyon ko.

"Red," tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?"

"Pwede mo bang bawasan 'yang pagiging malamig mo? Isali mo na rin 'yung mga pambubuska mo. Sarap mo kasing tirisin," wika ko nang hindi siya tinataponan ng tingin

"Tsk."

Biglang umihip ang hangin na kinatangay sa buhok ko. Lapis lang ang tanging ginawa kong pampusod dahil naiwala ko ang tali ng aking buhok.

Hinayaan ko nalang na tangayin ng hangin ang nakalugay kong buhok. Mahina ko namang hinaplos ang sariling braso nang maramdaman ko ang lamig ng klima.

Napa-igtad ako nang may nag patong ng coat sa balikat ko. Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Red.

"Let's go. Nilalamig ka na."

Tumango ako at sumunod sakanya. Biglang tumunog ang cellphone niya kaya nagpaalam muna siya na sasagutin muna ang tawag saglit.

Habang naghihintay, nagtaka ako nang may dalawang lalaking lumapit sa pwesto ko.

"Hi," bati ng lalaking naka gray shirt at maroon pants.

"Hello?"

"I'm Anthony, you are?" Inabot nito ang kanyang kamay.

Pasimple kong pinaglaruan ang daliri ko sa likod ko na tinatabunan ng coat ni Red. "I'm—"

"Taken," sabad ng isang boses mula sa likod ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon