Kabanata 31

28.3K 921 63
                                    

Kabanata 31

Nakatitig ako sa kalangitan. Sabado ngayon at walang pasok. Nakahilata lang si Red sa kanyang kama. Thankfully, tapos na ang menstrual period ko. Namana ko kasi kay mommy na tatlong araw lang ang red days.

"Barbie.."

Napalingon agad ako sa tumabi sa akin. "Oh? Bakit, Emma?"

Nagkibit balikat lang ito. "M-may tanong lang ako..." tila nhihiyang sambit nito.

"Ano?" nakangiti kong tanong.

"B-boyfriend mo ba si Sir Axel?" mahinang tanong nito habang pinaglalaruan ang kanyang daliri.

Pagak akong natawa. "Hindi no."

Tinignan ako nito. "T-talaga ba?"

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"K-kasi kagabi..." Still playing with her fingers. "N-nakita kitang pinangko ni Sir Axel at tumakbo papasok sa quarter. Kaya naisip namin ni Milda na baka may ano... m-may n-namamagitan sa inyo?"

Natawa ako ng mahina. Noon 'yun. "Wala no. Tinulungan lang niya ako kagabi kasi nahirapan akong huminga."

Nagtataka niya akong tinitigan. "Bakit naman? May asthma ka?"

Pilit akong ngumiti at dahan-dahang tumango. "Oo eh. I didn't know na bumalik na pala ulit. Nawala na ito dati, pero 'di alam kung bakit bumalik."

"Hala ka! Baka umiyak ka kagabi. Bawal sa mga may asthma ang umiyak at mapagod ng sobra." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Bawal rin sa mga may asthma ang makalanghap ng mga usok."

Sa sinabi niya, bumalik sa alala ko ang nangyari noong sumama ako sa kanila sa labas ng syudad. The smoke of guns I inhaled. Sasagot pa sana ako nang tumunog ang intercom.

"Natasha. On my room. Now."

Gusto ko umirap ngunit mas pinili ko nalang ang manahimik at magpaalam kay Emma. Tinanguhan naman ako nito kaya nilisan ko ang hardin at pumanhik papuntang kwarto niya.

"Ano?" Mataray kong bungad nang makapasok ako.

Inayos nito ang gusot niyang damit at tinignan ako. "We'll go underground."

Nagkasalubong ang kilay ko. "Underground? 6ft below? Ililibing kita?"

"I thought you want to learn how to do the guns," nakataas kilay na tanong nito.

Parang naghugis puso naman ang mata ko. "Seryoso? Ngayon na?" Napatigil naman ako nang may pumasok sa isip ko. "Sinusuhulan mo ba ang galit ko gamit ang pagtuturo sa akin kung paano gumamit ng baril?"

Nagkibit balikat ito. "Ikaw. Bahala ka. May lakad pa akong pupuntahan. I can't teach you next time if you'll decline now. Pupunta pa naman ako sa meeting ni Daddy. What now?

Ngayon ko lang rin napansin ang kulay blue na polong suot niya at slacks. May hawak rin siya gray suit at necktie. A badass businessman.

Napairap naman ako sa ere. His voice is demanding. Nakakabwisit. "Okay. Fine!"

--

"Pull the trigger," utos ni Red.

Nang kinalabit ko ang gatilyo, lumabas naman ang isang basyo ng bala sa bibig ng baril. But it didn't reached nor hit the middle point.

"Ayusin mo naman kasi! Paano mo 'yan maipapatama sa gitna kung hindi naman nakatutok sa gitna ang kamay mo?!" singhal nito.

Kanina pa kami dito sa loob ng shooting range. At kanina niya rin siya panay ang sigaw. Sino ba naman kasing hindi maiinis? Malapit na sigurong maubos ang mga bala ngunit kahit isang tama sa gitna ay 'di ko magawa. Ewan ko ba. Ayaw tumama, e.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon