Kabanata 25

30K 1.2K 191
                                    

Kabanata 25

"Hindi ka uuwi?" nagtatakang tanong ko kay Red.

Umiling ito. "May practice kami sa basketball. Malapit na ang susunod naming laro."

Tumango lang ako. Nagulat naman ako nang magvibrate ang bag ko kaya hinalughog ko kung nasan ang phone ko.

"Oh, Chay?" bungad ko kay Wenchie.

"Asan ka na?"

"Nasa Dance Studio, bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Mauuna na akong uuwi, may gagawin pa ako. Take care of yourself, Spade." Sumeryoso ang boses niya sa huling linya.

Tumango lang ako kahit hindi niya kita at pinutol ang linya. Bumaling naman ako sa lalaking nakatitig lang sa akin habang kausap ko si Wenchie kanina.

"Hihintayin na lang kita sa bahay mamaya. Maghuhugas pa ako ng pinggan," paalam ko.

Nginitian ko muna siya bago ako lumabas ng silid. Hindi pa man ako nakakalayo sa Dance Studio nang may humawak sa pulso ko at kinaladkad ako papuntang gate ng school.

"Aray ko naman!"

Hindi na ako nakapalag nang tinulak niya ako papasok ng kanyang kotse. Umikot siya sa harap at sumakay rin sa Driver's seat.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko habang hawak ang pulso ko. Namamanhid eh.

"Kakain tayo," sagot nito at pinatakbo ang sasakyan.

"Kakain lang tapos na ngangaladkad ka na?" Nakataas kilay kong tanong. "Habit mo na ba ang mangaladkad, ha?"

"Ang bagal mo kasing maglakad," sagot niya nang di lumilingon.

Napairap naman ako sa sagot niya. "Akala ko ba may practice ka ngayong hapon?"

Sinulyapan niya ako. "Bakit? 'Di ba pwedeng kumain muna ako?"

Time flew fast. After naming kumain ay dumiretso ako sa bahay habang siya at hinatid muna ako bago bumalik ng school.

It's already four thirty-one. Tapos ko nang labhan ang bedsheets na naka-standby sa planggana kanina. Diniligan ko rin ang mga halaman sa hardin, 'di pa kasi nakabalik ang lahat mula sa bakasyon nila nung undas. Siguro ay bukas pa.

Pagod akong umupo sa sofa at minamasahe ang aking batok at balikat. Nakakangalay talaga ang maglaba. Hindi lang kasi bedsheets ang nilabhan ko, sinali ko na rin ang mga ginamit kong damit noong nagpunta kami sa Tagaytay at Baguio. Pati na rin ang mga damit at pantalon ni Red sa basket.

Sumandal ako sa likod ng sofa at pinikit aking mata habang minamasahe ang aking balikat. Agad rin akong bumangon nang maalala kong meron pa pa lang hugasin na nasa lababo at kailangan ko 'yung hugasan.

Walang gana akong tumayo at tumungo sa kusina. Mamayang alas-nwebe pa ang uwi ni Ma'am Sandra at Sir Jace. Ewan ko si Red kung kailan uuwi. Balita ko kasi may birthday sa isa sa mga klassmates nila sa kanilang building at invited lahat na nag-aaral sa departamento na 'yun.

"Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan, pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan," mahinang kanta ko habang naghuhugas.

Nang matapos ay nagwalis ako sa buong bahay. Medyo malaki-laki rin ang espasyo na winalisan ko na inabot ako ng isang oras kakalinis. And now it's already six fifty-two in the night.

Nagluto ako ng makakain nila at nagsaing na rin sa rice cooker. Matapos ng trabaho ko sa kusina, tumungo ako sa sala at namahinga sa sofa. Pikit-mata kong inabot ang aking binti at hinilot. Kanina pa kasi ako nakatayo.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon