Kabanata 29

27.1K 1K 57
                                    

Kabanata 29

"Hoy, babae. Ano 'yung balitang kumakalat?" tanong ni Ella.

Andito kami sa rooftop. Matapos nang nangyari kanina, agad akong umalis sa senaryo. Hinanap ko agad si Ella paakyat dito.

"Ang bilis namang kumalat ng pekeng balita," wika ko.

Kita ko ang pag-irap nito. "Duh. Hindi ka na naniniwala sa kasabihang 'May tenga ang lupa, may pakpak ang balita'? Tsk. So, anong nangyari sa loob ng cr?"

Nagkibit balikat lang ako at umupo sa isang bakanteng silya. "Tinulungan lang niya ako. Tinagusan kasi ako kanina."

Malisyosa niya akong tinignan. "Oh, talaga? Kaya pala tatak Montenegro ang pants at jersy mo." Hinila niya ang isa pang silya at iniharap sa akin bago umupo. "May narinig pa ako. Binack hug ka raw niya? Tapos may nakakita sa inyong dalawa na naghalikan sa loob ng comfort room. Tama?"

Napabuntong hininga ako. "Niyakap niya ako patalikod dahil natagusan ako. Tsaka, hindi kami naghalikan no."

"Bakit hindi na lang jacket ang ipulupot niya sa beywang mo? Kailangan talagang yakap eh no? Dagdag mo pang may nakakita sa inyo. At nasa loob pa talaga ng banyo kaya sinong hindi maiisip ng kung ano dun?" aniya.

I messed my hair. "Hindi naman kasi totoo 'yun, e."

"Anong gagawin mo ngayon? 'Yan ang balitang kumakalat sa paaralan. Kahit sa kabilang department alam na rin," aniya na may bahid ng pag-aalala.

"Bahala na sila sa kung anong iisipin nila. Basta alam ko ang totoo," I said

"Ewan ko nalang sayong babae ka."

--

"Ate Milda, ako na po riyan." Inagaw ko sa kanya ang mga damit na paplantsahin niya.

"Naku, Nat. Mahigpit na pinagbawal sa amin ni Sir Jared na pagalawin dito sa bahay. May dalaw ka baka daw sumakit ang puson mo."

Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Ma'am Sandra at Sir Jace. Tumuwid ako ng tayo at bahagyang yumuko upang magbigay galang.

"Magandang hapon po, Sir Jace, Ma'am Sandra," bati ko ha bang nakayuko.

"Good afternoon too, hija. Cut the formalities. Just call us Tita and Tito," ani Ma'am Sandra.

Tumuwid ulit ako ng tayo at ngumiti ng hindi umabot sa aking mata. "Naku po. Komportable na po ako sa Ma'am at Sir." Nilibot ko ang paningin ko. "Gusto niyo po ng maiinom? Juice po? Kape?" tanong ko.

Umupo si Ma'am Sandra sa sofa habang si Sir Jace naman ay nagpaalam na magbibihis muna.

"Kindly make me some tea, Hija," aniya.

Agad akong tumalima. Nasa pinto na ako ng kusina nang maalala kong 'di ko alam kung anong lasa ang gusto ni Ma'am Sandra sa kanyang tea kaya bumalik ulit akong sala.

"Ma'am," tawag ko. "Magtatanong po sana ako kung anong tea ang gusto niyo?"

Ngumiti ito. "Green tea, hija. Salamat."

Tumango ako at bumalik sa kusina. Nang matapos kong gawin ang tea na gusto ni Ma'am Sandra, agad akong bumalik ng sala.

"Ito na po, Maam," saad ko at nilapag ang tasa sa mesa.

Nginitian ako ni Ma'am Sandra. "Maupo ka muna. Magkwentuhan tayo," masayang wika niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung uupo ako o magpapaalam na maglalaba pa ng pinagtagusan ko. Nakakahiya namang sabihin 'yung pangalawa.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon