Kabanata 40

26.3K 894 171
                                    

Kabanata 40

"Care to explain, Chay?" tanong ko kay Wenchie nang makaupo ako sa tabi niya.

"Ang alin?"

"Rochelle," I started. "Why did you used Rochelle? Alam mo bang nanganib ang buhay niya sa ginawa mo?" mahinang saad ko dahil baka marinig ako ng iba kong mga kaklase.

Huminga ito ng malalim at humilig sa likod ng kanyang upuan. "She decided. Sha, para rin naman sa kapakanan mo ang iniisip namin, e. You are hunted by the Emperor of DNC Empire. At natatakot kami na makuha ka nila."

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. "Anong gagawin mo ngayon? Chay, ikaw na naman ang hinahanap ng Royals—"

"Then let them. That's my plan," putol nito.

"Really, Chay? Hahayaan mong ikaw ang kukunin nila?" I'm frustrated, letsugas!

"Listen, Sha." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "Let me act as you. At habang ako ang gaganap na Reyna ng Royals, mag-isip ka ng plano kung paano natin ibabagsak ang DNC. Alam ko namang tutulungan ka ni Jared."

Sabay kaming napatingin sa pinto nang pabalda itong bumakas at pumasok ang anim na Royals sa silid.

"Who's Wenchie Mariel Durano?" malamig na saad ni Axel. He's still wearing a mask.

Dumapo naman ang paningin ko kay Wenchie nang tumayo ito at tinaasan ng kilay si Axel. "Ako. Bakit? May problema ka?"

"Come with us," ani ni Raiven.

Muli akong tinignan ni Wenchie bago bumaling kay Raiven. "Okay."

Tumayo ako at sinundan sila ng tingin. "Saan niyo siya dadalhin?"

Nilingon ako ni Axel. "None of your business."

Huminga ako ng malalim at muling umupo. Parang alam ko na kung saan nila dadalhin si Wenchie.

"Good morning, students."

--

Buong umaga akong walang gana. Matapos kunin ng mga Royals si Wenchie ay hindi na ito bumalik. Matapos rin ng usapan namin ni Red kagabi ay wala na kaming pansinan.

Kasalukuyan akong nakatitig sa kawalan dito sa bench ng basketball court. Wala na kaming pasok ngayong hapon dahil nga shift 1 kami.

"Uy, narinig mo 'yung balita?"

Napatingin naman ako sa dalawang cheerdancers na kakatapos pa lang magpractice. Ano na nama kayang chismis na nasagap nito.

"Na ano?" sagot naman ng isa.

"May nahanap nang bagong Reyna ang Royals."

"Talaga? Sino naman?"

"Yung transferee galing sa Mindanao?"

Huminga ako ng malalim at iniwas ang aking sarili sa pakikinig sakanila. Namataan ko naman ang paglapit ni Janice dito sa pwesto ko. Miyembro siya ng SSG. Nakalimutan ko apilyedo niya

"Tara, canteen?" nakangiting sambit niya.

Wala sa sarili akong tumango at sinukbit ang bag ko sa balikat. Sabay kaming naglakad papuntang canteen habang nag-uusap hanggang sa umabot ang usapan namin sa bagong Reyna ng Royals.

"Wenchie daw pangalan. Diba kaibigan mo 'yun?" aniya.

"Oo," sabat ni Ella at sumabay sa amin papuntang canteen.

"Matagal niyo na bang alam na ang Spade pala ay si Wenchie?" kuryosong sambit nito.

Nagkatinginan kami ni Ella. Na para bang meron kaming telepathic power na nakakapag-usap kami gamit ang aming isip.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon