Kabanata 42
"Po? Seryoso ka po, Ma'am Sandra?" gulat kong sambit.
"Yes, hija." Matamis itong ngumiti. "Doon tayo magsecelebrate ng pasko."
"Pero, Ma'am—"
"Huwag mo nang tanggihan ito ito, Hija. Nabilihan na rin kita ng swimsuit na sigurado akong babagay sa'yo." Ngumisi ito. "And I'm also sure that boys will drool over your body."
"Ma'am Sandra, nakakahiya po." Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon.
"No more excuses, Hija. At isa pa, sa private plane naman tayo sasakay."
Wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya. Pupunta daw kami sa Boracay ngayong hapon. Sakay sa private plane nila. Perks of being elite. Kahit gusto mong mananghalian sa ibang planeta ay napakadali lang.
Matamlay akong naglakad papuntang kusina nang makasalubong ko si Kelly dala ang dalawang tasa ng tsaa.
"Ang tamlay mo 'ata, Nat? May problema?" tanong nito.
Umiling ako.
"Wala. Nagugutom lang siguro ako." I smiled.
"Ganun ba? Kumain ka na at pagkatapos, pasuyo na lang ako na pahatdan ng pagkain si Lyndon sa taas."
Lyndon. So siya ang dahilan kung bakit ayaw niyang tawagin siyang Lyndon?
"Sige po." I bowed my head a little bit then I heard her chuckled.
"Silly." Umiling-iling ito. "Stop doing that. You're my friend and I don't treat you as a maid so stop it. Feeling ko parang sobrang tanda ko na."
"Opo." I smiled again.
"Oh sige. Aakyat na ako. Kain ka ng mabuti." She smiled once again before turning her back on me.
Nanghihina akong naglakad papuntang silya at umupo ito. One thing is inside my mind right now.
Walang-wala ako sa kanya.
Sa ilang linggo na magkasama kami, naging mabait siya sa akin. Her voice were so soft. Matulungin din ito. Nakakaguilty isipin na ayoko sa kanya kahit sobrang bait ng trato niya sa'kin. She's the 'girlfriend material' person. No doubts.
Bumuntong hininga nalang ako at nagluto ng pagkain na iaakyat ko sa taas. Naisipan ko naman ang fried chicken leg. Napangiti ako nang maalala ko ang unang beses kong pagluto sa kanya pero hindi niya nakain dahil binaril niya ito. My smile instantly fade when I realize something. Hindi na ulit yun mangyayari.
"Anong niluluto mo, hija?"
Napaigtad ako nang may biglang magsalita sa likod ko. Ngayon ko lang rin napansin na wala na palang chicken leg ang nakasalang sa kawa. Dali-dali kong pinatay ang stove at nagsandok ng kanin bago sinagot si Manang Eda.
"Makakain po in Sir Jared, Manang. Kayo po, kumain na po kayo?" Nag-angat ako ng tingin dito.
Umiling ito at hinaplos ang pisngi ko. "Bakit ang tamlay mo? Kulang ka ba sa tulog? May problema ka ba?"
I shook my head in response. "Wala po, Manang. Okay lang po ako."
"Kung may problema ka, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Huwag mong kimkimin sa sarili mo ang mga problema mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo." I nodded. "Ihahatid ko lang po ito sa kwarto ni Sir Jared. Babalik rin po ako."
"Sige." She patted my head before proceeding to the dishes.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...