Kabanata 37
"Anong ginagawa mo dito, Ate Ash? I thought break na kayo ni Kuya? Then bakit andito ka?" sunod-sunod na tanong sa akin ng kapatid ni Axel. It's Alex, short for Alexa. She's two years younger than me.
Mabilis kong tinago ang nagdurugo kong braso. "Nagtatrabaho ako dito, Lex."
"Are you sure?" May pagdududa ang mga mata nito.
"She works as your Kuya Jared's babysitter," singit ni Axel sa usapan namin ng kapatid niya. Obviously to shut Alex from spitting questions.
"Gago lang, Kuya? Bakit magpapayaya si Kuya Jared eh magkasing-edad lang naman kayong dalawa?" nakataas ang kilay ni Alex sa Kuya niya. Bumaling siya sa 'kin at agad naman akong ngumiti.
Axel just tsked. Napailing nalang ako sa paraan ng pag-uusap ng dalawa. Kahit noon pa ay minsan lang sila nag-uusap ng matino. Mainit ang dugo sa isa't-isa.
Tumuwid ng upo si Alex nang bumaba si Red mula sa second floor. Hanggang ngayon ay blurry pa rin ang paligid dahil wala pa akong salamin, ngunit naaaninag ko pa naman sila kaya okay lang.
"Alex, your Mom had called me. Nasa airport na daw sila," rinig kong wika ni Red kay Alexa.
"Ay! Sayang naman. Gusto ko pa makasama si Ate Ash, e" Naramdaman kong hinawakan ako nito sa braso. Thank God it wasn't the bleeding one. "Ate, let's talk again some other time, ah? Ang dami kong ikukwento sa'yo."
Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya. "If you'll be looking for me, you can find me here," I said in pure american accent.
The next thing I knew, niyakap niya ako at nagpaaalam na sila ni Axel. While Red sat beside me.
Napasinghap ako nang hinawakan niya ang braso ko at sinuri ang sugar. I heard him 'tsked' before I felt him starting to clean my wound. Napapaigik ako sa tuwing nadidiinan niya ang bulak sa sugat ko.
"Mag-iingat ka sa susunod," mahinahong saad nito.
Sumimangot ako sa narinig. "Seryoso? Malabo kaya ang paligid, paano ko maiiwasan 'yun?"
"Mararamdaman mo 'yun."
He wrapped my arms with bandage in a very careful manner. Daplis lang naman iyon kaya hindi masyadong masakit at malalim.
"Here." May inabot itong maliit na box na kulay puti. "Wear it."
Kumunot ang noo ko. "Anong laman niyan?"
"Contact lenses. Wear it. May pupuntahan tayo," aniya sa iritadong tono.
"Saan naman? Gabi na ah?"
"Can't you just wear it without opening your goddamn mouth? Nakakairita ang boses mo alam mo 'yun?"
Umirap ako sa kanya. "Sorry, hindi eh." I mocked.
Iniabot niyang muli sa akin ang box kaya tinanggap ko nalang ito. Iniharap ko ang salamin na ginamit kanina ni Alex.
Maingat ko itong sinuot. Nang matapos ay agad akong nag-angat ng tingin sakanya. He's wearing black v-neck T-shirt and a khaki shorts. Isang itim na converse shoes naman ang ipinares niya sakanyang outfit na bumagay sakanya. Medyo magulo ang buhok nito na siyang nagpatingkad sakanya at mas lalo lang siyang nagmumukhang badboy.
"Done staring?" Taas kilay nitong tanong. Tumayo ito at hinila rin ako patayo. "Bilisan mong maglakad."
At ayun nga. Ang isang hakbang niya ay tatlo sa akin. How can guys have so long legs? Nakakairita na ah.
"Sakay," he ordered.
Tumalima naman ako sa utos nito. Pagkasakay ko ay may tinapon siya sa kandungan ko. "Wear that."
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...