Kabanata 14

38K 1.3K 79
                                    

Kabanata 14

"Handa na ang lahat?" tanong ni Axel.

Kagaya ng sinabi ko, he ignored me. Na parang walang ako sa mundo niya. Tama naman siguro. Kasalanan ko kung bakit siya umiyak kahapon. Pero bakit ba ako naaapektuhan?

"Hoy!" Napatalon ako sapo-sapo ang dibdib nang kalabitin ako ni Adam.

"You startled me!" biglang bulaslas ko habang nakatingin kay Adam.

"Is that an American accent, I heard?" tanong ni Ma'am Sandra.

Napansin ko rin ang pagtataka sa mga mata ng aking mga kasama. Hilaw akong ngumiti. Patay lang bata ka.

"Ahh... e..."

"Let's go. Magdidilim na. Nakabook na ako ng kwarto sa isang hotel sa Tagaytay. Come on," putol ni Axel.

Napabuga ako ng hangin. "Ikaw nak," ani Ma'am Sandra habang nakatingin kay Sir Jared. "Saan ka sasabay?"

Kita ko ang pag-irap nito. "Mom, nabugbog lang ako pef
ro hindi ako baldado. I can drive," balik sagot nito.

"Natasha."

"Po?" sagot ko sa tawag ni Ma'am Sandra.

"Kay Jared ka na lang sumabay. Mukhang punuan na ang van ni Axel," aniya.

"Mom!" Agad napatingin kay Sir Jared. "Bakit niyo isasabay sa akin ang alien na 'yan?!"

Agad na nagsalubong ang kilay ko. "Ano?"

"Nak, I don't need your opinion. Natasha, you go with Jared. That's final. Now you go. It's already four thirty-one. Five kayo makakarating doon. Ingat kayo."

Bumeso si Axel at Adam kay Ma'am Sandra bago pumasok sa itim na van. Niyakap naman ako ni Ma'am Sandra habang hinalikan siya ni Sir Jared sa noo.

Naunang pumasok si Sir Jared sa kanyang magarang sasakyan. Tinawag naman ni Ma'am Sandra ang atensyon ko. "Alagaan niyo sarili niyo doon, okay? You're staying there for one week, then the other week, you're going to Baguio. I invited your friend, Ella, right? I invited her to come over. Take care okay?"

Tumango ako at sasagot sana nang bumusina si Sir Jared. "Ano ba?! Sasama ka o hindi?" Bakas ang pagkairita sa boses niya.

Ilang akong ngumiti kay Ma'am Sandra at yumuko upang magbigay galang. "Aalis na po ako."

Ngiti lang ang sinagot nito kaya naglakad ako papuntang kotse ni Sir Jared. Binuksan ko ang kompartamento sa likod at pinasok ang isang bag na ginamit ko noong papunta ako rito sa Manila.

Binuksan ko ang kompartamento sa harap at pumasok. Kasi alam kong magrereklamo ulit si Sir Jared na pinagmumukha ko siyang driver. Porket sa likod nakaupo, driver na siya? E driver naman talaga siya eh. Tsk.

"Bakit ka pa sumama?" Ramdam ko ang inis sa likod ng kanyang malamig na boses.

"Kasi binabantayan kita?" patanong kong sagot.

"Wow! Parang ikaw lang ang tumagal na babysitter ko ah?"

I just tsked. Sa salita niya, dapat excitement ang tono, pero pati 'yan malamig pa rin. Ano ba tong lalaking to? Bipolar? Nung nagdaang araw parang bata na naagawan ng laruan dahil si Adam ang pinunasan ko na sa halip ay siya.

Umikot ang mata ko sa ere at sumandal sa binatana nang nagsimula na siyang magmaneho sa sasakyan. Agad rin akong tumuwid ng upo at nilibot ang paningin sa kabuoan ang kanyang sasakyan.

"Wow. Ang ganda naman ng sasakyan mo, Sir. Saan niyo po to nabili?" tanong ko habang naglilikot ng paningin.

Kung magara sa labas, magara rin sa loob. May maliit na TV sa harap. Yung rearview mirror niya naman ay nagiging Google map. May kulay blue na bilog na gumagalaw gaya ng galaw ng sasakyan.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon