Kabanata 33
"Kamusta ka na, Sha?" rinig kong tanong ni Mama sa kabilang linya.
Inayos ko ang aking higaan at umupo sa kama. "Okay lang naman po ako, Ma. Nga po pala, may sasabihin ako..."
"Ano 'yun?"
"Gusto po ng amo ko na ampunin nila ako." Saad ko at binuntutan ko ng mahinang tawa.
"Tapos?"
"Syempre po hindi ako pumaya," nakangiting sambit ko. "Kayo po diyan, Ma? Kamusta?"
"Ito, okay lang naman. Uuwi ka ba sa pakso?" tanong niya.
Ilang ulit akong tumango kahit hindi niya nakikita. "Oo naman po, Ma. Ayoko pong mag-celebrate nang hindi kayo kasama. At saka po, miss ko na kayo."
"Miss ka na rin naman, nak. Grabe. Ang lalaki ng perang pinapadala mo dito," biglang bukas ni Mama ng topic.
Otomatikong nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Po?" Hindi pa naman ako nakapagpadala ah?
"Baliw lang, Nak? Noong nagdaang linggo ka pa nagpadala ng pipty tawsand..."
Mahina kong tinampal ang noo ko at umiling. "Ma, fifty thousand po. Hindi pipty tawsand. Napaka-cebuana mo talaga, Ma."
"Basta may tawsand sa dulo, okay na." Binuntutan pa niya ito ng mahinang tawa. "Siya nga pala, nag cash advance ka ba, Nak? Ang laking halaga naman ng perang ito."
Gusto ko sanang magtanong kung paanong inakala nilang ako ang nagpadala nang maalala ko ang sinabi ni Ma'am Sandra sa akin noong pagdating ko dito. Siguro ay siya ang nagpadala.
"Opo, Ma. Nag-cash advance po ako kasi alam kong kinakailangan niyo 'yan. Pangbili ng gamot ni Papa. 'Wag po kayong masyadong gumalaw-galaw diyan. Si Ate Janine po?" pag-iiba ko ng usapan.
Humiga ako sa kama at tumitig sa salamin. "Ito. Okay lang naman. Panay nga ang tanong niya kung kelan ka uuwi. Ang pasalubong daw nila."
Mahina akong natawa. My cousin never change. "Uuwi po ako sa pasko."
"Hindi ka uuwi sa kaarawan mo?" may bahid ng pagtataka ang boses nito.
Umiling ako. "Hindi po muna siguro, Ma. Para naman po makapag-ipon ako at nang may pasalubong ako sa pag-uwi ko diyan."
Tinignan ko ang aking pambisig na relo. "Ma. Tulog ka na po. 'Wag ka pong magpuyat. Alas-dyes na po, oh."
"Oh siya, sige. Matulog ka na rin. Alagaan mo ang sarili mo diyaan. Wala kami sa tabi mo para alagaan ka."
"Ma, naman. Dise-nwebe na po ako sa Desyembre. Hindi na po ako bata." Huminga ako ng malalim. "Goodnight po, Ma. I love you."
"Goodnight na rin. Mahal din kita."
"Bye na po, Ma."
Pagkatapos ng usapan namin ni Mama, naisipan kong maligo muna. Ang lagkit ng katawan ko ngayon buong araw. Feeling ko na drain ang utak ko sa pinag-usapan namin ni Adam.
Bumangon ako sa kama at nag-inat-inat ng katawan. Kinuha ko ang tuwalya na nakasampay sa upuan kong nakaharap sa study table kong maliit.
Tinungo ko ang cr at naligo. Umabot pa ako ng halos isang oras sa loob ng cr bago ko naisipang lumabas. The coldness of the water relaxes my nerves and calms me. Pinili kong isuot ang isang black short shorts at isang puting sando. Umupo naman ako sa dulo ng kama habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya. Sabi kasi ni Mama na bawal matulog ng basa ang buhok. Isa din ito sa dahilan kung bakit lumabo ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...