Kabanata 26
Nagising ako sa silaw ng araw na tumatama sa mga mata ko. Agad akong nagdilat ng mata at nag-inat ng katawan. Medyo masakit ang ulo ko pero pinilit kong bumangon. Damn, bakit masakit 'to?
"You're awake."
Agad akong napatingin sa taong pumasok sa loob ng kwarto dala ang isang tray na may lamang pagkain at gatas.
"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko habang hawak ang ulo kong parang pinipiga.
"Tsk. Kain ka na. Inumin mo rin ang gamot," sagot niya at nilisan ang kwarto.
Napatingin ako sa wall clock. Halos lumuwa ang mga mata ko sa oras. Dali dali akong bumangon sa kama. Tumakbo ako papuntang pinto at mabilis na lumabas ng silid.
Nadatnan kong prenteng nakaupo si Red sa sofa habang nanonood ng NBA. Seriously?
"Bakit 'di mo ako ginising? At saka, bakit 'di ka nakabihis? Wala kayong pasok?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hindi ako papasok," tanging sagot nito at tumitig ulit sa TV.
Hopeless akong napatingin sa orasan. Kung papasok ako, 'di na ako papapasukin ng Propesor. Naku naman.
Padabog akong lumabas ng kwarto at tumungo sa aking kwarto. Hinanap ko agad ang number ni Ella at mabilis na tinawagan.
"Yes, Nat?" rinig ko ang boses nitong inaantok.
Namuo naman ang gatla sa noo ko. "Asan ka ngayon?"
"Hmm... Kakagising ko lang. Bakit?"
Napakamot ako ng noo. Naguguluhan na ako sa nangyayari. "Walang pasok?
"Duh. Naghahanda ang SSG para sa pagdating ng iilang head na ngayon lang bibisita sa paaralan," tila inaantok na wika nito. "Pwedeng mamaya na ang interrogation, Nat? Itanong mo nalang sa kasama mo."
"Hello—"
'Di ko na natapos ang sasabihin ko nang patayin na ni Ella ang linya. Kailan lang sinabing walang pasok? Noon bang umalis ako? Eh bakit hindi man lang nag-mention si Red tungkol dito?
Binato ko nalang pabalik ang cellphone sa kama at tumungo muna sa banyo para maligo. Anong gagawin ko ngayon? Malinis na naman ang buong bahay.
Matapos kong maligo, tahimik akong tumungo sa kusina para magluto ng agahan ni Red. Pagdating ko ng kusina, may nadatnan akong sulat kamay ni Ma'am Sandra. Sinasabing may pagkain na daw sa ref na iinitin na lang.
Wala akong nagawa kundi ininit ang mga ulam at tahimik na naghihintay. Tumunog naman ang doorbell sa main door kaya tumayo agad ako at tumungo dito.
Walang imik kong pinagbuksan ng ito ng pinto. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Axel na ikinalaki ng mata ko.
"A-anong—"
"Where's Jared?" malamig na tanong nito.
Umayos ako ng tayo at pilit na ngumiti. "Good morning din, Sir. Nasa kwarto niya po."
Pumasok ito at nilampasan ako na parang walang tao. Serves me right.
Malungkot akong ngumiti at sinarado ang pinto. Bumalik ako sa kusina at naghanda ng makakain. Tapos ng mainit ng mga ulam kaya naglagay na lang ako ng kanin sa mesa.
Pinindot ko ang intercom na konektado sa buong bahay. "Sir Jared, kakain na po."
Inayos ko muna ang lahat sa kusina bago ko naisipang lumisan doon sa isipang bababa na rin sila Red at... Axel. Akala ko talaga move on na, pero masakit pa rin. Tanga ko rin kasi.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...