Kabanata 22
"Ang sakit na ng paa ko. Huhuhu." Pakunwaring iyak ko.
Tinignan ko ang pambisig kong relo. Ala-una disye-otso. Kanina pa kami naglalakad dito sa night market. Kokonti nalang ang mga namimili. Iilan rito ay mga magkasintahan. Diyos ko po.
Napadaan kami sa stall na nagtitinda ng mga nerd glass at mga sumbrero. Huminto naman kami ni Red sa tapat nito. Nakapasok ang pareho niyang kamay sa bulsa sa harap ng jacket niya.
At dahil nga huminto siya at nakatalikod siya sa akin, kita ko ang mga letrang nakaimprenta sa likod ng jacket niya.
'Venice <3 '
The heck?
"Bakit—"
"Wear this."
Naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang humarap sa akin at biglang sinuot sa akin ang isang sumbrero. Hindi ito sumbrero na plain straight, medyo kurba ito. Yung pang OOTD nakikita ko sa mga Instagram accounts ng mga model?
Nagtataka ko siya tinignan nang tanggalin niya ang itong muli. Mas nagtaka pa ako nang umikot siya sa likod ko at tinanggal ang tali ng buhok ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Dumausdos pababa ang buhok ko. Humarap muli siya sa akin at sinuklay-suklay ang buhok ko.
"Ganito ka ba umakto sa mga babae?" Nagtataka kong tanong.
"Nope." He replied, popping the 'p'. "Only to my mom and...her." Humina ang boses niya sa huling salita.
"Eh bakit ganito mo ako itrato? 'Wag mong sabihing..." Napasinghap ako sabay takip sa bibig ko. "Crush mo ako?!" Naghi-hysterical kong wika.
Pabiro niya hinampas ang noo ko. "Wag kang assuming. "
Sinuot niyang muli sa akin ang sumbrero. Medyo naiilang akong sa sobrang lapit ang mukha naming dalawa.
Naglikot ang mga mata ko. Ayaw kong makasalubong ang titig niyang mas malamig pa sa yelo.
Pero hindi iyon nagpabor sa gusto ko. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sakanya.
Sa sobrang lapit ng mukha nami, feeling ko ay naduduling na ako. "A-ano?"
Ngumiti ito. Nakakalaglag panty!
"May muta ka." Aniya.
It takes time for me to understand what he said. Muta lang naman— ano?!
Parang napapaso akong napahiwalay sa kanya at hinawakan ang mata ko. Hinahanap kung nasaan ang sinasabi niyang 'muta'.
"Wala naman eh." I said.
Tumawa lang ito at kinurot ang pisngi ko.
"Aray! Ano ba! Bihawan mo pishngi ko eh!"
Panay ang tampal ko sa kanyang kamay. Hindi sana kami matatapos kung hindi nagsalita ang tindero ng stall.
"Dayo ba kayo rito?" Tanong ng tindero.
Sabay kaming tumango ni Red. Salamat na rin at tinanggal na niya ang kanyang kamay sa pisngi ko.
"Opo." Sagot ko. Himas-himas ang aking pisngi. Ang shakitt!!
"Kaya pala. Ang cute niyong parehas. Ilang taon na pala kayo?" Tanong ulit ng tindero habang nag-aayos ng kanyang mga paninda.
"Ahh—"
"Three years." Tumingin sa akin si Red at kinindatan ako.
"Talaga? Congrats sainyo. Minsan nalang ako makakita ng ganyan ka tibay na relasyon. Sa panahon kasi ngayon, maswerte na ang pagmamahalang tumatagal ng apat na buwan. " Pailing-iling na wika ng tindero.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...