Kabanata 45

26.6K 910 160
                                    

Kabanata 45

"Okay ka na?" tanong ni Axel nang pinipilit kong tumayo sa kama.

I nodded. "Oo." Hinawakan ko ang aking sintido. Feeling ko ay may heartbeat sa gitna ng utak ko. Kumikirot. "Ilang oras ba ang tulog ko?"

"Whole day," tipid na sagot niya. Tumingin naman ako sa labas ng bintana at namataan ang paglubog ng araw.

"Seryoso ka?" Gulat ko itong tinignan.

"Yes." He nodded. "Why did you drank yourself out? Alam mo naman mahina ang alcohol tolerance mo."

Pinilit ko ang sarili kong maglakad kahit na umiikot ang paligid. Inalalayan naman ako ni Axel.

"Ako na." Hinirap ko siya at nginitian. "I'm fine. Kaya ko na sarili ko."

"You sure?" Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

I nodded. "Oo naman. Hintayin mo na lang ako sa labas."

Nag-aalinlangan pa ito ngunit lumisan rin. Malakas naman akong bumuga ng hangin at pinilit ang sarili na maglakad papuntang banyo sa kabila ng pag-ikot ng paningin.

Binuksan ko ang ilaw ng banyo at lumantad sa akin ang isang full size mirror. Meron itong hawakan para mabuksan papasok sa shower room. I took off my blazer and it exposed my bare skin.

Sinong nagdala sa akin pauwi? Ang huling naaalala ko ay nasa dalampasigan ako habang umiinom ng canned beer.

Sumagi naman sa aking isipan ang alaala kagabi. Aalala nga ba 'yun? Bakit parang totoo? I confessed to Jared. Namula naman ako sa naisip. Never in my life I would think of confessing my feelings towards that jerk. Hinding-hindi ko 'yan gagawin.

Napahinto ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Nanlaki ang paningin ko nang makita ang tattoo ko nang tumagilid ako.

"The heck?"

Nakita ba ito ni Axel? Namutla naman ako sa sariling tanong. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng malaman na ako ang Spade. Mapapahamak si Wenchie nito.

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang aking gagawin. After taking a shower, nagbihis agad ako ng isang denim high waisted short at isang v-neck sleeveless na kulay light yellow. Umabot ang v-line nito hanggang gitna ng dibdib ko. I wore the see-through black blazer na hanggang . Isa siguro ito sa mga binili sa akin ni Ma'am Sandra.

Lumabas ako ng silid. I closed the door behind me and arrange my eyeglasses. Pinalibot ko ang mga mata ko habang naglalakad papuntang elevator.

Simple lang ang disenyo. Tiles ang sahig at kulay peach naman ang dingding. Tumuwid ako ng tayo nang bumukas ang elevator at laking pasalamat ko nang walang laman ito. I silently entered the elevator and placed myself at one of the corner of the elevator. Pinindot ko muna ang lapag kung saan ako bababa bago sumandal sa gilid. Sasara na sana ang pinto nang may kamay na pumigil dito.

Tumuwid ang tayo ko nang malaman kung sino ang pumasok. It was none other than the mighty Jared Lyndon Montenegro.

Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy niya. Halata ring kakatapos lang rin nitong magshower dahil basa pa ang kanyang buhok.

Nang sumara ang pinto ay tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko nakikita ang ekspresyon nito sapagkat nakatalikod ito sa akin.

"Why did you drank yourself last night?"

Paano niya nalaman? Iyan agad ang tanong na rumihestro sa utak ko. Sinabi ba ni Axel? O talagang totoo ang mga naaalala ko kagabi?

My heart is thumping so fast. "T-tipsy lang kagabi. Hindi lasing."

"Really?" Mapaglaro ang boses nito. "You shouldn't drunk yourself, knowing you have duties—"

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon