Kabanata 23

29.2K 999 134
                                    

Kabanata 23

I stared blanky at the horizon. Wala ako maramdaman. Gusto kong umiyak, magwala, pagbuntungan ng galit ang buong mundo.

But I can't. Dahil alam kong may iilang biktima rin na kagaya ko. People who are still being hunt by their pasts at their waking hours and sleeping time. 

Past is the best hunter, indeed.

"Are you sure you're okay?" tanong ng isang baritonong boses mula sa likod ko.

Naramdaman ko naman itong tumabi sa akin. "I'm fine." Sagot ko

"Ano bang napanaginipan mo?" He asked in pure curiosity and worry.

Nagkibit balikat lang ako. "Ewan. Nakalimutan ko na." Liar.

Tumango ito. "Tara? Pasyal tayo?" Nagdadalawang isip na saad nito.

Ngumiti lang ako at tumango. Ngumiti rin siya at inakbayan ako. Dinala niya ako pababa ng hagdan kung saan naroon si Adam at Ella

Nginitian ako ni Ella habang bahagya akong tinanguhan ni Adam. Umalis agad kami ng bahay at dumayo muna sa Pink Sisters. Nagdasal muna saglit bago kami tumungo sa Wright Park. Kung saan kami nagkaaminan ni Red na gusto pa naming magkabalikan sa ex namin.

"Ang gaganda ng mga bulaklak oh. Di ba, Nat?" Baling sa akin ni Ella na busy kaka- appreciate ng paligid.

Medyo malamig kaya suot namin ni Ella ay jacket. White sakanya habang dark blue naman sa'kin, pareho rin kaming may suot an scarf at boots.

"Yeah." Sagot ko. Mas siniksik ko pa ang kamay ko sa bulsa sa harap ng jacket ko. Ang lamig.

"Tara upo tayo sa hagdan. Selfie tayo." Ani Ella at hinila ako papuntang hagdan na gawa sa bato.  "Adam, paki kuha nga sa amin ng litrato." Inabot niya kay Adam ang kanyang phone bago kami tuluyang umupo sa hagdan.

"Smile." Malamig na wika ni Adam.

"Ay, takte. Paano ngingiti eh mas malamig pa sa klima ang boses niya." Mahinang sambit ni Ella. Sapat na para sa aming dalawa. "Smile." Peke itong ngumiti.

Napailing na lang ako at ngumiti.

Ilang pose pa ang pinagawa sa akin ni Ella bago niya naisipang tumayo. "Tara. Punta tayong taas. Balita ko maraming pony doon."

Kita ko ang bahagyang pag-iling ng mga kasamahan ko. Who wouldn't? Taas ng energy ng gaga.

"Manong, ilang pony po ang bakante?" Bungad ni Ella sa lalaking sa palagay ko ay ang nagbabantay sa mga pony.

"Tatlo nalang ho, Ma'am." Magalang na sagot nito.

"Sige po. Kunin na ho namin." Ani Ella.

Nagbayad sila ni Red sa isang babae para makasakay kami sa pony. Humarap sa aming tatlo si Ella na nakapameywang.

"Paano 'yan? Tatlo ang bakante, tapos apat tayo?"

"Kayo nalang ang sumakay. Hihintayin ko na lang kayo dito. " Ngumiti ako ng matamis.

"What? Why?" Nagtatakang tanong ni Red.

Kinamot ko ang batok ko at ilang na ngumiti. "Ano kasi eh... Di ako marunong sumakay sa mga pony kaya kayo na lang."

Nalukot ang mukha ni Ella. "Paano na 'yan? Kami lang ang maaaliw habang ikaw, andito lang?"

I smiled and held her right arm. Pinisil ko ito for assurance. "Okay lang. You can go."

Bumuga ng hangin si Ella. "Ikaw. Kung 'yan ang gusto mo. Basta ako ayaw kong palampasin itong pagkakataon na ito." Hinila niya ang tali ng isang kabayo. "You can ride with Adam or Jared naman. "

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon