Kabanata 15
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko nang makarating kami sa munting kusina ng kwarto.
Maganda naman pala ang napiling silid ni Sir Jared. Kompleto lahat. May sala, banyo,kusina, ngunit isa lamang ang kwarto. Yun ay 'yung tinulugan ko.
Kasalukuyan ko siyang tinatanong kung ano ang gusto niyang kainin matapos niyang umiyak. Kompleto naman lahat ng gamit at mga ingredients dito sa loob eh. Di na problema ang mag grocery.
"You choose," sagot niya at nangalumbaba sa mesa. "About a while ago. I'm sorry if I break down in front of you."
Napalingon ako sakanya. "Hey! Sabi mo mag s-share tayo pagkatapos kong magluto. Ayusin mo, Si— este Jared. Baka..." Pinakita ko ang sandok na malapad. "Tumama to sa pisngi mo."
Rinig kong muli ang mahina niyang tawa bago ako bumaling sa kalan at nagluto. Mahigit tatlompung minuto pa ang dumaan bago ito maluto. Simpleng chicken adobo lang at bicol express ang niluto ko. Bicol express is my favorite.
Tinanggal ko ang aking apron at nilapitan si Sir Jared na nakadukdok pa rin sa mesa. Agad kong tinapik ang pisngi nito. Natutulog ang masungit na bipolar kong alaga.
"Hmmm..." munting ungol nito.
Napangiti ako at pumasok muna saglit sa kwarto. Nagbihis ako ng pantulog. Sabi niya ay naglalakwatsa daw ang lahat, nasa bar, naghahanap ng chicks.
Nagbihis ako ng pajama at brown longsleeves shirt. Buti na plang talaga at naisipan kong magdala ng pantulog. Masyadong malakas ang aircon.
Nilugay ko ang buhok ko at inayos ang aking salamin. Sinuot ko ang available na tsinelas sa gilid ng pinto at bumalik muli sa kusina. Hanggang ngayon ay natutulog pa rin si Sir Jared.
Habang nililipat ko ang mga pagkain sa mesa, biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa balkonahe. He's crying. He look so vulnerable. He broke down. The almighty Jared Lyndon Montenegro broke down in front of me. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Sinong mag-aakalang ang taong mas malamig pa sa yelo, at mas matigas pa sa bato, ay iiyak sa harap ko?
Ngayong gabi, naisipan kong kaibiganin siya. Wala naman sigurong masama, 'di ba? Total naman, ngayon at sa susunod na taon lang ang pamamalagi ko rito sa Manila. Babalik rin akong Mindanao. Hindi ko muna iisiping hina-hunting ako ng Royals na kasama ko sa iisang bubong. Nakakatawang isipin na pitong bilyong tao sa mundo, ako ang naisip nilang hanapin. Masyadong maliit ang mundo para sa amin.
"Sir, kakain na." Tapik kong muli sa pisngi niya. Dinilat naman nito ang kanyang kaliwang mata at mabilis na sinunod ang isa.
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. "A-asan si Ven?" tanong niya. "Sino ka?"
Umirap ako sa umupo sa island counter na kaharap niya. "Inere ako, hindi sinuka. Ayusin mo diyan, Sir Jared. "
Tinignan ko ang mga niluto ko at umayos ng upo. "Tingnan mo, Sir ohh. Mukhang masarap niluto ko."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang taimtim lang itong nakatitig sa akin. "Who the hell are you?"
Umiling ako at tumawa. Di niya ako kilala? "Duh! Umiyak ka pa nga sa balikat ko kanina tapos ngayon 'di mo na ako maalala? Ano yun? Nakakalimot pala ang matulog sa mesa? Subukan ko kaya?" I said.
"You mean?"
Tumango ako at naglagay ng pinggan sa harap niya at kutsara. "Natasha Venice, Sir. Di mo ko maalala?"
Hinagod ng panigin niya ang buong mukha ko at ang buhok ko. "You have long hair," parang 'di makapaniwalang wika nito.
Napailing nalang ako. "Let's pray first." Nag-sign of the cross ako. "Dear God. Thank you for this blessings you give to us...."
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...