Kabanata 39

26.4K 989 247
                                    

Kabanata 39

"Manang, nauna na po ba si Sir Jared?" tanong ko kay Manang Eda nang makapasok ako ng kusina.

Nag-angat ito ng tingin sa akin at umiling. "Hindi pa bumababa, e Natutulog pa siguro."

"Ha?" Nagsalubong ang kilay ko. "Wala po ba silang pasok? Alas syete na po ah?"

"Puntahan mo nalang sa taas at gisingin mo."

Tumango ako at nagpaalam. Malalaki ang hakbang ko patungong silid ni Red sa ikalawang palapag. Nang marating ko ito ay sunod-sunod na katok ang ginawa ko.

"Sir Jared, may pasok pa po kayo!" I yelled as I keep on knocking on his door.

Nakailang beses na ako sa pagkatok sa kanyang pinto ngunit ni isang responde ay wala akong natanggap. Asan ba ang mokong na 'yun? Impossible naman kasing lumabas siya eh alas tres na kami nakauwi kagabi. Nanatili kami sa ilalim ng ulan ng ilang oras.

Wait? What?

Naglakbay naman ang isip ko sa pangyayari kagabi.

"Sumilong na kasi tayo! Ang lakas na ng ulan oh!" malakas na saad ko para marinig niya sa gitna ng maingay na pagragasa ng ulan.

"No. Let's stay under the rain," wika nito at pinikit ang kanyang mga mata.

"Nahihibang ka na ba? May pasok pa bukas at baka ay magkasakit tayo!" Naiinis kong sigaw. Nababaliw na rin ba 'to?

"Hindi sa lahat ng panahon ay pupwede tayong umiwas sa bagyo." Dumilat ito at tinignan ako ng diretso. "Life isn't about waiting for the storm to pass. It's about learning to dance under the rain."

Huminga ako ng malalim. Isang bagay lang ang sigurado ako. Nilalagnat ang isang 'to.

Pinihit ko ang pinto at pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng amoy ng pabango ni Red. Inilibot ko ang aking paningin. Nakasarado ang bintana ang sobrang lakas ng aircon. Nilapitan ko naman ang pwesto kung saan nandoon ang aircon at hininaan.

Napabaling naman ako sa kama nang gumalaw ito. Tinungo ko ito at nadatnan si Red na nagtatalukbong ng kumot at nanginginig sa lamig. Nilapat ko ang likod ng aking palad sa kanyang noo at mabilis itong binawi. Ang init.

"Mukhang mapapasabak ako nito," mahinang bulong ko sa aking sarili habang natitig sa mukha ni Red.

Namumutla ito at walang kulay ang kanyang labi. Inangat ko ang blanket hanggang leeg niya bago nagpagdesisyonang kumuha ng isang palanggana at bimpo sa banyo niya.

Kung ano ang silid niya, ganun din ang kanyang banyo. Kulay gray ang tiles habang gold naman ang lining ng bintana at kulay blue ang jealousy. Meron ding maliit na chandelier na nagsisilbing ilaw sa loob ng banyo. Hinanap agad ng mata ko ang bimpo at palanggana. Natagpuan ko naman ito sa gilid. Nilagyan ko ng maligamgam na tubig ang palanggana bago lumabas.

Nilapag ko ito sa side table ng kanyang kama at tinungo ang walk in closet niya. Binuksan ko ito at laking gulat ko nang kwarto pala ito. Pumasok ako rito at naghanap ng masusuot niya na pyjamas.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon