Kabanata 6

39.2K 1.4K 100
                                    

Kabanata 6

"Manang, ako na po!"

Kanina pa ako nagpupumilit na hugasan ang aming pinagkainan. Naaawa na rin ako kay Manang Eda dahil masyado na itong matanda ngunit nagta-trabaho pa rin.

"Diyan ka na nga lang, hija. Malapit na rin naman itong matapos." Ngumiti ito sa akin na ikinalukot ng mukha ko.

"Manang, naman! Ngayon lang nga lang ako tutulong, aayawan mo pa." Umupo ako sa upuan na nag-iisa sa tabi ng stove.

"Magkwento ka na nga lang sa sarili mo. Para naman lubusan ka naming makilala," suhestiyon ni Manang Eda.

"Oo nga, barbie. Hindi ka pa namin masyadong kilala." Napalingon naman ako sa babaeng sumabat na nakatayo sa gilid ng bukana ng pintuan.

Ngumiti lang ako at umiling. "Sa isang kondisyon."

"At ano naman 'yon?" curious nitong tanong.

Hinawakan ko ang baba ko at kunwaring nag-iisip. "Hahayaan niyo akong tumulong sa mga gawaing bahay."

"Ano ka ba naman, hija." Napatingin ako kay Manang Eda. "Hindi iyon pwede, sabi ni ma'am Sandra ay huwag kang pagtatrabahuin," alalang wika nito.

Nilapitan ko si Manang Eda at pinaikot ang braso ko sa kanya. "Please?" Nag puppy eyes pa ako para effective.

Bumuga ito ng hangin at napailing. "Sige na nga, mapilit kang bata ka."

Tumango ako sa ref at binuksan ito. Naghahanap ng maaring lutuin upang gawing meryenda ni sir Jared, hindi pa kasi siya bumaba.

"Magkwento ka na..." pamimililit ni Emma.

"Saan ba ako magsisimula?" Kinuha ko yung mga ingredients sa putaheng lulutuin ko.

"Nakadepende sa'yo," ani ni Manang.

I hummed. "Galing ako sa Mindanao. Sa Butuan. Isa akong simpleng estudyante. 'Yun lang." Sinalang ko ang frying pan sa kalan at in-on ang stove.

"Ehh? Bakit ka pumunta dito?" tanong ni Emma.

"Dahil wala kaming pera at kailangan naming mabuhay. Hindi na rin kasi kaya ni Mama at Papa kaya huminto ako sa pag-aaral para magtrabaho," sagot ko.

"Ahhh..." Tumango si Emma. "Anong mga favorite hobbies mo?"

"My hobby is playing violin and piano." Nginitian ko siya at sinalin na ang mantika sa kawali.

Pumalakpak naman bigla si Emma. "Sabi ko na nga ba, e. Senyorita ka."

Nagsalubong naman ang kilay ko ngunit 'di maalis ang ngiti ko. "Paano mo nasabi?"

"Kasi tingnan mo...” Umayos ito ng upo. "Maganda ka, makinis ka, 'yung buhok mo ay sobrang shiny, parang alagang-alaga, ta's tinatali mo lang. Mahilig ka rin sa piano at violin. 'Di ba mga prinsesa lamang ang marunong nun?" lintiya nito na ikinatawa namin ni Manang Eda.

"Hoy, Emma. Hindi porket marunong mag piano at violin ay prinsesa na," sita ni Manang kay Emma.

Humaba naman ang nguso nito at bumaling sa akin. "Barbie, may boyfriend ka na ba?"

Her question made me stilled. I composed my smile and nodded. Bumaling ako sa aking gingawa at nilagay ang mga ingredients sa kawali.

"Kwento mo naman," pangungulit nito.

Should I spit lie? Should I tell them the truth? Pero paano?

"He's my ex." Huminga ako ng malalim at tinakpan ang kawali. "Minahal niya ako ng todo ngunit iniwan ko siya. Call me bad or something, but I left him. May rason ako. Isa pa, busy rin ako sa school, sa bahay, sa gang—” Nakagat ko ang aking ibbang labi nang madulas ang dila ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon