Kabanata 9

38.3K 1.4K 166
                                    

Kabanata 9

"Naku, hija. 'Wag ka munang pumasok," ani ni ma'am Sandra.

"Ma'am, okay naman po ako. Nagkatrangkaso lang ako kahapon ngunit okay naman na ako." Hilaw akong ngumiti sa harap niya.

Umiling lamang ito at pina-upo ako. "Magpahinga ka na lang. Sasamahan mo mamaya si Jared sa pupuntahan niyang victory party."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. "Sige po."

Tumango ito kaya yumuko ako ng bahagya upang magbigay ng galang. Nauna itong lumisan kaya agad akong tumungo sa maid's quarter at pumasok sa kwarto namin ni Emma.

Pinulot ko ang mga nagkalat sa lapag at isa-isang inayos sa tamang lalagyan nito. Agad kong kinuha ang lalagyan ng mga lalabhan at pinasok roon ang mga lalabhan kong damit, syempre ang uniporme kong may bahid ng dugo sa dulo ng palda.

Pumunta ako sa likod-bahay at nagsimulang magkuso. Madali rin naman akong nakatapos dahil halos gabi-gabi rin naman akong naglalaba kaya walang masyadong lalabahin.

Nang mapansin ko ang oras. Alas-dose na pala ng tanghali kaya nagluto ako ng dalawang putahe at nagsalang din ng kanin sa rice cooker. Naisipan kong lutuin ang bicol express at adobong manok.

"Natasha, naman. Sabing 'wag na mag-abala sa gawaing bahay. Nalingat lang ako sa paglilinis ng mga kwarto sa underground ta's ikaw agad ang pumalit sa mga trabaho ko," ani Manang Eda.

Nginitian ko na lang siya. Matapos ay hinain ko ito at naunang kumain.

"Manang, aalis na ho ako. Kailangan ko pong magpakita sa school." I waved her goodbye at pumasok sa nakaparadang sasakyan ni Manong Manuel. "Manong, tara na po!"

Napailing na lang si Manong at nagmaneho papuntang paaralan. Napabuga naman ako ng hangin sa tuwing maaalala ko ang mga salitang binitawan ni Wenchie kagabi. Patuloy pa rin itong bumabagabag sa isipan ko.

Bakit nadadamay ang international gang group na iyon? Paano nila nakilala ang grupo namin? At higit sa lahat, bakit gusto nila akong kunin? Sa dinami-dami ng mga babaeng pwedeng pumalit bilang kanilang Queen, bakit ako ang naisipan nilang kunin? Paano ako makakapagtrabaho ng maayos kung ganong may mga taong hina-hunting ako ngayon?

Pagod akong bumuga ng hangin at huminga ng malalim. Kailangan kong mag-ingat. Isa rin kung bakit umalis ako sa grupo ay dahil ayaw nila mama at natatakot sila para sa kalagayan ko. Kahit naman ako, natatakot akong madamay ang pamilya ko kung magpapatuloy ako sa grupo ko.

"Andito na tayo, hija. Masyadong malalim ang iniisip mo at baka ako'y malunod," ani Manong na siyang nagpagising sa akin sa reyalidad.

Nginitian ko nalang siya at umiling. "Hindi naman po masyadong malalim. May mga alaalang sumagi lang sa isipan ko. Sige na po, Manong. Mauuna na ako."

Agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng gate. Inayos ko ang salamin ko at ang medyo nagusot kong uniporme. Nagsimula akong maglakad papasok ng gym. Rinig ko ang hiyawan ng mga tao. Ngayong hapon pa pala ang rematch nila.

Ang nasa loob ng bag ko ay dalawang bote ng mineral water at maliit na tuwalya. Sinadya ko ito para mamaya pagkatapos ng laro nila Sir Jared. Bilang pasasalamat na rin ito sa paggamot niya sa sugat ko na siya rin ang may gawa. Tsk.

Dumako ang paningin ko kay Ella sa pwestong medyo malapit sa bench na inuupuan ng mga substitute players. Malaki ang gatla nito sa noo habang nakatingin sa pwesto nila Jennie at ng kanyang mga kaibigan.

"Hoy!" Napaigtad naman ito sa inuupuan nang gulatin ko.

"Gaga ka ba?!" Sapo-sapo nito ang kanyang dibdib habang masamang tingin ang ginagawad sa akin.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon