Kabanata 2
Matindi at maitim na usok ang sumalubong sa amin nang makalabas kami ng airport. Totoo nga ang sinabi ng tiyahin ko sa akin noon. Polluted ang hangin sa Maynila.
Sumakay kami sa isang sasakyang nag-hihintay sa labas ng paliparan. Inaamin kong namamawis at nanginginig na ang kamay ko. Nagugutom na rin ako kahit mahigit isa't kalahating oras ang binyahe namin galing Mindanao, wala pa akong kain nang umalis.
Akala ko dalawa hanggang tatlong araw ka makakarating galing Mindanao patungong Maynila. Kaso naalala kong helicopter pala ang sinakyan ko. Gaga lang?
"Hija, kain ka muna." Inabot nila sa akin ang isang supot ng pagkain na binili sa drive-thru.
"Salamat." Mabilis kong tinanggap ang inabot niya at binuksan.
"Ikaw ba 'yung bagong papasok bilang yaya?" tanong ng driver.
"Opo," tagalang kong sagot.
"Magtatagal ka kaya?" Sa tanong niya, mabilis na namuo ang kuryosidad sa katawan ko.
"Bakit po? Masama po ba ang ugali ng babantayan ko?" takang tanong ko.
"Hindi ko rin alam, hija. Kadalasan kasi sa mga pumapasok bilang babysitter ay umaalis. Ni-hindi man lang inaabutan ng ilang araw."
Nalukot naman ang mukha ko. "Masama talaga siguro ang ugali ng babantayan ko."
Tumawa lamang ang driver at umiling. "Hindi mo malalaman kung 'di mo susubukan. Nga pala, sigurado ka ba, hija?"
"Sa alin po? 'Yung pag-aapply bilang isang babysitter?" tanong ko na ikinatango niya. "Bakit naman po? Syempre, oo."
"Kutis mayaman ka, o baka gino-good time mo lang ang CEO?" May bahid ng paninigurado ang boses nito.
Natawa ako sa sinabi niya para maitago ang kaba. It's been years since I last took care of my skin, makinis pa rin pala? "Hindi naman po. Mahirap lang po kasi kami kaya naghahanap ako ng mapagta-trabahuan. Nag-iisang anak ako kaya walang tutulong sa mga magulang ko kundi ako." Sinubo ko ang huling pagkain.
I think I already mastered the art of lying.
"Ilang taon ka na ba?" he asked again.
"I'm eighteen, turning nineteen this December," I replied.
"Ah. First year college?" Napangiti ako kahit papano. Akala ko masusungit ang mga taga-Manila.
"Hindi po. Third year po. Nakapasa kasi ako sa acceleration test ng aming paaralan. Pero... huminto ako." Humina ang boses ko sa huling dalawang salita.
"Ang talino mo pala. Pagbutihin mo na lang ang pagtatrabaho mo at pag-aaralin ka nila."
Tumango ako at ngumiti. "Salamat po."
"Oh, nandito na tayo. Ano nga palang pangalan mo?"
Ngumiti ako. "Natasha Venice po."
Tumango lang ito kaya nagpaalam na akong lumabas. Bahay pa ba ito? Mansion na siguro. O kaya mall?
"The CEO is waiting for you inside," anang isang dilag na nakasuot ng pencil skirt at long sleeves polo. Ito siguro ang sinabi ni Ate Janine na sekretaryang kaibigan ni Bembem.
Pumasok ito habang nakasunod lang ako sakanya. Huminto siya bigla kaya huminto na rin ako. Humarap siya sa akin at ngumiti. "Please be seated. Tatawagin ko muna ang CEO."
"A-ate..." I called her.
Lumingon ito kaya iniabot ko sa kanya ang folder na ipinapabigay ni Bembem. "Ang sabi po ni Bembem ay ibigay ko ito sa'yo."
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...