Kabanata 44
Malakas na bumuga ng hangin si Ma'am Sandra. "Napagod ako sa mga activities natin ngayon ah."
Tumawa naman si Sir Jace. "Dalawa pa nga lang 'yun eh. ATV Riding tayo halika na."
"Ayoko na. Dito na lang muna ako magpapahinga," sagot ni Ma'am Sandra.
"Killjoy si Tita," sambit ni Kelly habang nakaakbay sa akin.
Habang ginagawa namin ang mga activity kanina, panay ang kwentuhan naming dalawa. May pagkapareho sila ni Ella when it comes sa kwentuhan. Parang walang katapusan eh. Dugtong-dugtong. She even shared her first kiss. And it wasn't Jared. Hindi niya daw kilala dahil nakapatay daw ang ilaw nang mangyari ang halikan.
While we're together, she doesn't care about her poise. Parang wala itong pakialam kung may nawiweirdohan sa kanya basta kung anong gusto niyang gawin. Biglaan nga itong kumanta nang sumabak kami sa flyfishing kanina at hindi man lang inalintana ang hampas ng tubig sa mukha.
"Oh siya, sige. Kayo nalang apat ang magliwaliw. Magpapahinga nalang muna kami ng Tita niyo," ani ni Sir Jace.
"Sige po, Tito." Sabay na sagot ni Axel at Kelly habang si Sir Jared ay tahimik lang.
--
"Saan tayo ngayon?" tanong ni Kelly.
"Scuba diving," sagot naman ni Axel.
"Gora!" Hinila nito ang pulso ko at tumakbo.
Sumunod naman si Axel at Sir Jared sa'min. Sinabihan ni Kelly yung isang bantay na susubok siya tinanguhan naman ito ng bantay at siningit kami sa pangatlong susubok sa activity.
Habang naghihintay, may lumapit sa aming dalawang binatang foreigner. Blonde ang buhok ng isa habang ang isa ay brown. Magkasingtangkad silang dalawa at may tribal tattoo ang nakablonde.
"Hey, there!" ani ng nakablonde. "I'm Jeric, you are?" He extended his hand.
Lumingon ako sa likod at napansin na medyo malayo sila Axel sa amin ni Kelly.
"Miss?"
Binalik ko ang aking paningin sa lalaki at pilit na ngumiti. "H-hello, Jeric." Binaba ko ang paningin ko sa kamay niya. "I'm sorry but I don't do shake hands."
"Oh, is that so?" Binaba nito ang kanyang kamay at pinasok sa bulsa ng kanyang swimming trunks. "What's your name?"
"I'm... Ah..." Kinamot ko ang batok ko at hilaw na ngumiti. "I don't give my name to strangers."
Nilingon ko ang pwesto ni Kelly at nakita kong tinataasan nito ng kilay ang lalaking brown ang kulay ng buhok. Huminga ako ng malalim. Diyos ko, paalis mo na po ang mga asungot na'to.
"Woah." Namangha ito sa narinig. "You're a private person, I see. Are you a celebrity or what?" takang tanong nito.
"No." Umiling ako. "Maybe you're just mistaken."
"Okay." Tumango ito at hinagod ng paningin ang buong katawan ko.
Humigpit ang kapit ko sa blazer at tinakpan ang harapan ko. Manyak!
"Stop eye raping my girl, Sir," anang isang boses galing likod ko.
Lumingon naman ako at bumungad sa'kin ang blankong mukha ni Sir Jared habang naglalakad palapit sa pwesto namin ni Kelly. Nakapasok ang parehong kamay nito sa bulsa ng kanyang swimming trunk at sigang naglalakad.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Ayan ka na naman, Heart. You're being stupid again. Huwag kang assuming hindi ikaw 'yung 'My Girl' niya. Tsk.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...