Kabanata 3

46.1K 1.4K 48
                                    

Kabanata 3

"Uy, Milda. 'Wag ka ngang maingay. 'Yung manika magigising."

"Gaga ka, tao 'yan, hindi manika."

"Ang ganda niya."

"Uy! Anong pinag-uusapan niyo?

"Hush!"

"Shhh!"

Kinapa ko ang gilid ng aking unan upang hanapin ang aking salamin. Nang makapa ko ito ay mabilis ko itong sinuot, tinali ko rin ng madalian ang aking buhok bago ko kinuskos ang mga mata ko sa ilalim ng aking salamin. Bumangon ako at inilibot ang paningin.

"Good morning, barbie!" Nabaling ang tingin ko sa babaeng binatukan ng isa.

"Gaga, sabing tao 'yan eh."

Hilaw akong ngumiti sakanilang tatlo. "H-hi. G-goodmorning."

Nginitian lang nila ako at inilahad sa akin ng isa ang isang pares ng uniporme. "Ngayon na ba ako magsisimula?"

Tumango naman silang tatlo. Ang cute. "Bilisan mong kumilos, Barbie. Magsisimula ang klase niyo ngayong eight-thirty," ani naman ng isa.

Tumango lang ako at nilapag ang uniporme sa kama at pumasok sa banyo dala ang tuwalya.

Tinanggal ko ang aking salamin at binaba ang tali ng aking buhok; hinahayaang malugay ang buhok kong hanggang beywang ang haba

Matapos magkuskos sa katawan ay binilisan kong magbanlaw. Baka mahuli ako. Nagkausap kami nila ma'am Sandra at sir Jace kagabi. Pina-enroll nadaw nila ako sa pinag-aaralan ni sir Jared. Pero 'wag daw akong mag buntot-buntutan kay sir Jared palagi. Mag-aaral ako na parang isang normal na estudyante. Pipigilan ko lamang daw si Sir Jared na mag-cut sa klase.

"Ang ganda mo talaga. Siguro isa kang senyorita sa inyong hacienda doon sa lugar niyo," anang babaeng panay ang tawag sa akin ng barbie. "Ako nga pala si Emma. Ikaw si Natasha, 'di ba? Ang ganda mo talaga."

Hilaw akong ngumiti. "Hello, Emma. S-salamat. Maganda ka rin."

"Labas ka na. Nandiyan na ang driver sa labas. Nauuna na si Sir Jared sa'yo dahil may pupuntahan pa raw siya."

Tumango lang ako at kinuha ang maliit na bag na nakalatag sa sofa. Tatlong notebook lang ang dala ko. Iyon lang kasi ang binili sa akin nila ma'am Sandra.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko. May iilang hibla ng bangs ko ang tumatabon sa mukha ko. Pero mas mabuti na iyon. Kahit papano ay hindi masyadong lantaran ang mukha ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko naman si ma'am at sir na kumakain.

"Oh, Nat. Mag-agahan ka muna," ani ni ma'am Sandra

Ilang akong ngumiti. "Naku, huwag na po. Nakapag-kape na rin po ako." Pero gutom talaga ako.

Umiling siya at tinuro ang upuan sa harap niya. "Maupo ka. Kung walang laman ang tiyan mo, walang papasok na aral sa kokote mo."

"Don't be shy, hija. Mula ngayon, you're now a part of the family. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo."

--

Kasalukuyan akong naghahanap sa magiging klassroom ko. Masyadong malaki ang paraalan na maiisip kong imposibleng magkita kami ni sir Jared.

Nanatili ang titig ko sa mapa nang may biglang bumangga sa balikat ko.

"Oh. Sorry, Miss." Yumuko ito upang pulutin ang nalaglag na mapa. "Here. "

Agad ko itong tinanggap. "Thank you." Napaiwas ako ng tingin nang ngumiti ito.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon