Kabanata 32
"Seryoso?" I asked him.
Kasalukuyan kaming nasa isang parke. Ewan ko ba sa kanya at dinala niya ako dito. Ang sabi niya ay mag-uusap daw kami.
"Yeah. Hindi kasi dumadalo sa mga pagpupulong si Jared basta tungkol sa negosyo ng ama niya ang pag-uusapan. Ayaw niyang tanggapin na isa siyang tapagmana ng kompanya nila," kaswal na sagot niya.
"Ganun ba kalaki ang negosyo nila?"
Tumango si Adam at umupo sa isang bench kaya umupo din ako. "Mabilis ang naging expansion ng kanilang negosyo. Hotel Monte is one of the most famous hotels around the world. Kaya nga nag-invest sa kanila ang parents ko. Hindi rin naman kasi lugi kung ka-partner mo sa negosyo ang mga Montenegro."
Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Grabe. Ang yaman pala nila. Mahirap sigurong i-handle ang ganyan kalaking negosyo."
Tumango rin ito. "Yeah."
"Bakit mo nga pala ako dinala dito?" tanong ko.
Biglang sumeryoso ang mukha niya. "May sasabihin lang ako."
Lumunok muna ako bago sumagot. "Ano?"
Bumuntong hininga muna siya. "Kelly is coming home next month."
Kelly na naman. "Tapos?"
"I want you to remain on his side." Tinignan niya ako. "I saw and witnessed how he sink on the river that Kelly made. Nakita ko kung paano siya nawasak nang umalis si Kelly. And I don't want it to happen again."
Nanaliting tikom ang bibig ko. Nakikinig sa bawat salitang binibitawan niya.
"For five years, ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti. Nambubuska ng ibang tao. Nakikisabay sa amin." Kita ko ang pag-angat ng magkabilang gilid ng labi niya. "Napansin ko ring hindi na siya sumasama sa amin sa bar. He didn't cut classes anymore. And I guess it was because of you."
"Ha?" Namuo ang gatla sa noo ko. "Paanong—"
"Pero alam kong mawawala ang lahat ng 'yon sa oras na babalik si Kelly. Everything will go back to square one." Bumuntong hininga ito at tumingala sa langit. "Natatakot ako na maulit muli ang nakaraan."
"Teka, teka, teka lang, ah." I waved my hands in front of me. Sinasabing huminto muna siya. "Una sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit ako ang naging dahilan sa pagbabago niya. Pangalawa, anong meron kung babalik si Kelly? Pangatlo, naguguluhan na ako sa'yo. P-pwede bang itumbok mo kung ano ang gusto mong sabihin? Hindi 'yung pinapaikot-ikot mo pa ang usapan?"
"Huwag kang magulat sa sasabihin ko," ani nito sa isang seryosong tono.
Marahas akong humugot ng hangin at mahinang pinakawalan. "Hindi. Please, sabihin mo na. Mas mahirap ka pang intindihin sa math eh."
"Make him fall."
"Fall lang naman—ano?! Baliw ka ba? Fall? Anong tingin mo sa 'kin, Adam? Bulag ka ba? Paano siya mahuhulog sa taong kagaya ko? Wake up! Hindi mo ba nakikita ang hitsura ko?" hindi makapaniwalang wika ko.
"You're the one who need to wake up, Natasha. Kung iniisip mong pangit ka, no you're not. Subukan mong tanggalin ang salamin mo. You're fucking beyond Goddess, Natasha. Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Wake up! Try to move out from your shell. Sa hitsura mo, hindi imposibleng hindi mahuhulog si Jared," he said, raising his voice.
Napataas ang kilay ko. "Adam, look..." Hinilot ko ang aking sintido. "Hindi kami pwede. Hindi mo man lang ba kinonsidera ang edad namin? For God's sake! I'm eighteen while his twenty."
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...