Kabanata 13
"Are you okay now?" tanong ni Ma'am Sandra.
Kasalukuyan akong nakahilata sa kama dito sa loob ng private room na inuukupa ni Sir Jared.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panghihina ang katawan ko kahit kagabi pa ako kinunan ng dugo. Dalawang bag ng dugo ang kinuha nila sa akin. Parang nabibighani ang mga doktor habang tini-test nila ako kagabi. Ito raw ang unang pagkakataon na makasagap sila ng hindi lang isa ngunit dalawang taong dala ang 'rarest blood type' kuno.
"Gusto mo bang kumain ng mansanas?" tanong ni Axel.
Umiling lamang ako. Agad akong napatingin kay Ma'am Sandra nang magsalita ito. "M-magkakilala na kayo?"
Umiling ako habang tumango naman si Axel. "We are—"
"—Friends!" putol ko kay Axel bago tumingin sakanya at pinandilatan ng mata.
"Really? Saan kayo nagkakilala?" tanong ulit ni Ma'am Sandra.
"Sa—"
"—Facebook." Hilaw akong ngumiti kay Ma'am na magkasalubong ang kilay. Siguro ay nagtataka siya kung bakit palagi kong pinuputol ang mga sasabihin ni Axel.
"Then how come he knew your blood type?"
Nahigit ko ang aking hininga sa huling tanong ni Ma'am Sandra. Paano na?
"I actually..." Tinignan ako ni Axel. "I aked her her blood type. I'm in Florida that time for a blood letting activity. We we're chatting so I ask her blood type all of the sudden." Ito naman ngumiti ng peke.
Tumango naman si Ma'am Sandra. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok ang siyam na lalaki. Kilala ko ang apat, sila ang Alas. Habang 'yung iba ay hindi ko kilala. Napatingin naman dito si Ma'am Sandra at ngumiti.
"Good morning, Tita!" bati ng iilan.
"Thanks God, you all come here," ani ni Ma'am.
"What's the matter, Tita?" takang tanong ni Axel.
Ngumiti si Tita at bumaling sa akin. "Natasha, I can't make it to Tagaytay. So, I decided na sila na lang ang isama sa bakasyon niyo ni Jared. Para naman ma-enjoy kayo. You'll be bonding with them. They are Jared's friends so it is better to be friends with them too."
Nagtataka akong tumingin sakanya. "E, saan po kayo pupunta?"
"I have to meet an important client in New York. We're planning to build a hospital there. That's why we need to close the deal between the three businessman there," sagot ni Ma'am.
Tumango na lang ako. "Sige po." Ngumiti ako sa kanya.
Labag sa kalooban ko ang hindi pagsama nila Ma'am Sandra. Hindi ako madaling magtiwala sa mga tao, lalo na sa mga kalalakihan.
"I know you'll going to feel awkward towards them. Pero don't worry, mabait sila." Tumayo ito at sinukbit ang sling bag sa balikat niya bago pinisil ang kamay ko. "I should go. Malapit na ang flight ko. You take care."
Nagmamadali itong lumabas ng silid na ikinabuga ko ng hangin. "Baby are you okay?" tanong ni Aldrin at lumapit sa akin.
Ngiti lamang ang sinagot ko. "Why are you lying in the bed? Diba't si Jared lang ang nabugbog?" tanong nung lalaking tumulong sa amin ni Ella. "Charles Cordova by the way," pakilala nito.
"I'm Eros Wang." Kumindat ang lalaking nagngangalang Eros.
Ngiti lamang ang sinukli ko sa kanila. "What are you guys doing here?" takang tanong ni Adam sa limang lalaking nakaupo sa mahabang sofa.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...