Kabanata 19
"Wahhh!" Mabilis akong napatago sa likod ni Red at binitawan ang halaman na ipapakain ko sana sa kabayo.
Humalakhak naman siya at pinipilit akong magpakain ng kabayo.
"Ayoko nga sabi!"
Halos naiiyak na ako sa pagbibigay ng lakas na wag ipalapit sa kabayo na kanina pa ako sinungsungay.
"Bakit ka ba natatakot?" Tinuro niya yung batang masayang nagpapakain ng kabayo. "Siya nga oh. Hindi natatakot. Ikaw pa kaya?"
Pilit akong sumisiksik sa likod niya ngunit pilit naman itong lumalayo.
Come on, Spade. Tinurukan ka na ba ng spell ng matatakutin?
"Subukan mo!"
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap ako sa kabayo.
Napapikit naman ako nang umungol ito. Naramdaman ko naman ang pag-galaw ng kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
Siniko ko naman siya kaya nanahimik ito. "Just take a shot. Hindi naman kasi yan nangangagat."
"Hindi nangangagat, sunungsungay naman." I snorted.
Tumili ako at napayakap sa beywang niya saka pilit na sinisiksik ang aking katawan sa kanya.
"Look, Hon. They remind me of us."
"Oo nga, Hon. I remember, takot ka rin sa kabayo."
"They're cute."
Napadilat ako ng mata at pinasadahan ng tingin ang dalawang mag-asawang nakangiti habang nakatingin sa amin.
Binaling ko ang tingin ko kay Red. He's looking at me blankly. Pinamulahan ako ng pisngi nag nagmamadaling humiwalay sankanya.
Tumuwid ako ng tayo at hinarap ang kabayo. "I think this will be my last day," bulong ko.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Red hanggang sa maramdaman ko ang paghawak ng isang kamay sa kamay kong hawak ang ipapakain ko sa kabayo.
Inangat niya ang kamay ko at dahan-dahang inilapit sa kabayo. Kinagat ko ang labi ko nang bumuka ang bibig nito. Pumikit ako sa takot na baka kainin niya ako. Gusto ko pang mabuhay, Diyos ko.
Nakapikit pa rin ako hanggang sa naramdaman ko at unti-unting pag-angat-baba ng halaman na hawak ko.
"Open your eyes," bulong ni Red.
Nagdadalawang isip pa ako kung didilat ba ako. Sa huli ay dinilat ko rin ang mata ko.
Namilog ang mata ko nang makita ang kabayo na kumakain sa halaman na hawak ko.
"See? Di naman 'yan nananakit, e." rinig kong sabi ng kasama ko.
Nang maubos ang halaman. Plano ko sanang hawakan ang kabayo ngunit natatakot ako na baka magalit ito.
"Gusto mong hawakan?" tanong ni Red na hanggang ngayon ay nasa likod ko parin.
Bahagya akong lumayo dito at hinarap siya. Tumango ako ng paulit-ulit na tila ay nagmamakaawa.
Tumawa ito at hinapit muli ang beywang ko at hinarap sa kabayo. Hawak ng isang niyang kamay ang beywang ko habang ang isa ay hawak ang pulso ko.
Bigla kong naalala ang paraan ng paghawak niya sa aking pulso noon. Buti na lamang at nawala ang pasa rito. Dahil kung hindi ay ewan ko na lang.
Inangat ni Red ang kamay ko at unti-unting nilapit sa kabayo. Napapalunok ako sa tuwing umuungol ang ito.
"Touch it," ani nito sa isang malanding tono.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...