Kabanata 21

32.6K 1K 52
                                    

Kabanata 21

Nagising ako sa gutom. Tinignan ko ang wrist watch ko at tumingin sa bintana. Nakasarado ito kaya kailangan ko pang lapitan upang buksan. Sinalubong naman ako ng malamig na simoy ng hangin at nagkikislapang bituin sa langit.

Nakarating kami ng resthouse ni Ma'am Sandra kaninang mga alas-dos ng hapon. Nagpahinga naman ako habang si Red ay nagpunta ng farm daw. Si Adam naman at Ella ay nag g-grocery nang matulog ako. So, basically hindi pa kami nagkita.

Tinignan kong muli ang pambisig kong relo. Alas-syete na ng gabi. Dapat ay andito na ang lahat.

Bumaba ako ng second floor ng bahay. Gawa sa semento ang pader ng bahay pati na rin ang lapag ng first floor. Habang ang hagdanan ay gawa sa narra wood pati ang railings. Habang sliding glasses naman ang bintana. May maliit na chandelier na kulay ginto na may halong silver. Hinding-hindi maipagkakaila ang ganda ng bahay. Sana mapatayuan ko man lang ng ganitong bahay ang sina mama at papa bilang kapalit sa naging kabutihan nila sa 'kin.

Dumiretso ako sa kusina. Gawa rin sa narra wood ang mesa at silya. Kompleto ang lahat at malaki-laki ang espasyo ng kusina. Mula sa refrigerator, stove, sink, at meron ring pwesto ang pinaglagyan ng rice cooker at heater.

Masyadong tahimik ang buong bahay. Asan naba sila? Creepy.

Nagkibit balikat lang ako at nagsimulang magluto. Tinolang manok at fried chicken lang ang niluto ko. Nagsaing rin ako sa rice cooker kaya hindi masyadong mahirap.

"Ghad! Kapagod!"

Saktong natapos ko ang aking niluluto nang marinig ko ang boses ni Ella sa labas.

"Asan ba si Natasha natulog? O baka naman niloloko mo lang kami, Jared. Wala naman sa taas ah?"

"Tsk."

Napangiti ako sa nadatnan sa salas. Si Red ay nakaupo sa sofa at naka-akbay ang parehang braso sa backrest nito. Si Adam naman ay kasalukuyang nilalagok ang isang canned beer at si Ella ay nakapameywang na naglalakad pababa sa second floor.

"Hapunan na," anunsyo ko.

Tatlong pares ng mata ang dumapo sa akin. "Ayy! Natasha!!"

Muntikan na akong matumba nang dambahan ako ng yakap ni Ella. Sinagot ko rin ang yakap niya.

"D-di ako makahinga."

Natatawa siyang kumalas sa yakap. "Sorry. Nga pala. Kamusta ang Tagaytay? "

Hinila niya ako papasok sa kusina. Sinundan naman kami ni Red at Adam. Kita ko ang panlalaki ng mata ni Ella habang nakatingin sa mga putaheng nasa mesa.

"Salamat naman at makakain na rin ako ng lutong bahay. Diyos ko po."

Parang batang nagmamadali si Ella na umupo sa silya kaharap ang pagkain. Sumunod naman akong umupo. Tumabi sa akin si Red habang si Adam naman ay sa tabi ni Ella.

"How's Tagaytay?" tanong ni Adam.

Tumango ako at sumandok ng kanin. "Ayos lang naman."

"Walang ibang nangyari?" malisyosang tanong ni Ella na ikinairap ko.

"Anong nangyari ang ibig mong sabihin? Nung muntikan na akong mamatay sa takot nang ilagay nila ang ahas sa batok ko. Okay ka na?" nakataas kilay kong sagot.

Tumawa si Ella. "Akala ko may progress sa relasyon niyong dalawa mas lumala lang pala."

Di ko nalang pinansin ang sanabi niya at inikot ang usapan.

"Eh kayo? Ni Adam? Uy, Ella 'di ba cru-"

Naputol ang sasabihin ko nang subuan ako ni Ella ng kanin at ulam. "Ang sarap ng luto mo, Nat. Kain ka na. Baka gutumin ka." Pinandidilatan niya ako ng mata.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon