Kabanata 35

27.1K 876 93
                                    

Kabanata 35

"Natasha, hija. Magbihis ka. May lakad tayo." Rinig kong wika ni Ma'am Sandra mula sa kusina.

"Po?" Pumasok ako sa kusina at nadatnan siyang naghuhugas ng kamay. "Saan po, Ma'am?"

Nagpunas ito bago ako hinarap. "We'll go to church today. It's Sunday naman and we'll be leaving again for the opening of the new hospital."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Po? Ospital? Akala ko po ba mga hotel lang ang pinapatakbo niyo?"

Ngumiti ito. "Yes, hija. But that doesn't mean that we shouldn't expand our business."

"Ahh." I nodded. "Anong oras po tayo aalis? Si Sir Jared po?"

"Oh. I already told him. And ayaw niyang sumama so, ikaw na lang. Let's go to together and then we'll bake cakes afterwards."

Nginitian ko muna siya bago nagpaalam na magbibihis. Tumango naman ito at sinabing magbibihis rin daw siya. Pumasok ako sa maid's quarter at pumili ng damit. Napatalon ako bigla nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Milda.

"Anong sadya, Mil?" I asked.

Pinakita niya sa akin ang isang pink dress na nakahanger. "Pinapabigay ni Ma'am Sandra. Suotin mo raw papuntang simbahan."

Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Nginitian niya lang ako at nagpaalam na umalis. Sinukat ko naman... Or should I say, sinuot ko naman ang dress. Kagaya ng dress na pinasuot sa akin ni Adam, humapit din ang dress na binigay ni Ma'am Sandra. Ang magka-iba lang ay hindi revealing ang dress na ito kesa sa suot ko kagabi.

Nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ko ba ang lumang sapatos ko. Ang pangit naman kasi tingnan kung 'yung lumang sapatos ko ang susuotin ko.

But in the end, napilitan akong isuot ang sapatos. Bahala na.

"Oh, dear." Biniba ang tingin ni Ma'am Sandra sa suot kong sapatos.

Namula naman ako. Kahit malinis ito, mahahalata mong luma na ito. "T-tara na po, Ma'am. Baka po mahuli tayo sa misa."

Umiling ito. "Ate Malyn." Tawag ni Ma'am Sandra sa isang kasambahay nila.

"Po, Ma'am?"

"Pakikuha nga ng creamy colored heels ko doon sa taas," she ordered.

"Yes po, Ma'am." Tumalima agad si Ate Malyn sa utos niya.

"Let's have a seat first, Hija. Hintayin muna natin si Ate Malyn."

Umupo kami sa sofa. Tuwid ang likod ko habang nakaupo. Nakaka-intimidate ang presensya niya.

"Pwede ba akong magtanong, Hija?" ani ni Ma'am Sandra na siyang gumising sakin sa reyalidad.

Pilit akong ngumiti. "Ano po 'yun?"

She eyed me head to foot. "Wala ka bang ibang mga kagamitan? I mean.. Like fashionable clothes and shoes? Mukhang luma na kasi ang sapatos mo."

Namumula ang pisngi kong iniwas ang aking tingin. I look down and reply. "O-opo... Noong nagdaang taon ko pa po ito binili."

Naramdaman ko namang nagulat siya. "Really? Bakit hindi ka na bumili?"

I played with my fingers. "Kapos po kami sa pera, e." At nakalimutan ko rin saan nilagay ang binili ni Red sa 'kin na sapatos.

"Ganoon ba?" She held my chin and made me look at her. "Let's go to mall after the mass. I'll buy you your things."

Gulat akong napatitig sa mukha niya. "Po? Naku po, Ma'am Sandra. 'Wag na po. "

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon