Kabanata 16
Nagising ako sa sakit ng ulo. Feeling ko ay mabibiyak ito ng pinong-pino. Dinilat ko ang mata ko at nilibot ang paningin. Nasa sala ako?
Tatayo sana ako nang naramdaman ko na may nakapatong sa kandungan ko. Nagbaba ako ng tingin. Kita ko ang mahimbing na lalaking natutulog habang unan ang hita ko.
Napapikit ulit ako nang kumirot ang ulo ko. Ang sakit. Ganito ba talaga ang resulta? Ano pa ngang tawag dito? Hangover? Akala ko sa mga nobela lang nag-e exist ang mga ganito. Pati rin pala sa totoong mundo. Dahan dahan akong tumayo at maingat na inunan ang ulo ni Sir Jared— I mean Red sa unan na nahulog sa lapag.
Habang naglilinis ng kalat namin mula kagabi, pinipilit kong alalahanin ang nangyari. Ang tanging naaalala ko lang ay nung tinunga ko ng diretso ang laman ng baso. Wala ng iba.
Bumuga nalang ako ng hangin at tumungong kwarto. Nahagip agad ng mata ko ang bag ko kaya nilapitan ko ito. Sapo-sapo ko ang aking noo habang hinahanap ang gamot na alam kong dinala ko. Girl's Scout 'ata 'to.
Mabilis kong kinuha ang isang maliit na tupperware na may lamang mga gamot. Pinulot ko ang dalawang tylenol. Mabilis ko rin itong binalik sa bag at ibinalik sa pinaglagyan ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Nagsalin ako ng tubig sa baso at agad na ininom ang tableta. Nagpahinga muna ako saglit hanggang sa nararamdaman kong hindi na masyadong masakit ang ulo ko gaya ng kanina. Bumalik ako sa sala dala ang isang basong tubig at ang isang tylenol. Nilapag ko ito sa glass table at bumalik muli sa kusina upang maghanda ng umagahan.
Simpleng scrambled eggs, bacon, hotdog at ginisang kanin. Mamaya ko na lang siguro siya tatanungin kung ano ang gusto niyang lasa sa kape.
Habang nag-aayos ng umagahan, nakarinig ako ng kaluskos mula sa pinto kaya agad akong bumaling dito. Kita ko si Sir— Red na nakasandal sa hamba ng pinto habang sapo ang noo.
"Kain ka na. Inumin mo agad ang gamot na nilapag ko doon sa mesa para mabawasan ang sakit ng ulo mo."
Tumungo naman ito sa upuan at agad na umupo. "Where are the bastards?"
Sakto namang bumukas ang pinto at niluwa ang mga lalaking kakagising lamang. Nahuling pumasok si Adam at Axel. Blanko ang ekspresyon ni Adam, ganon na rin kay Axel.
"Ang bango!" sabad ng isa. Nakalimutan ko pangalan nila.
"Marami pa bang pagkain diyan, Nat?" Tanong ni Aldrin.
Tumango ako at inihain nalang lahat ng pagkaing niluto ko. Buti nalang at naparami ang luto ko.
"Di namin kayo nakitang lumabas kagabi. At saka Jared, why are you here?" tanong ni Charles, the one who helped me in the clinic.
"Nakaamoy ako ng mabangong luto kaya tumungo ako rito," parang isang obvious na bagay na wika ni Sir Jared— Red. Pesteng pula.
"Ahh." Tango lang ang sagot ni Charles at nagsimula ulit na kumain.
Nasa kalagitnaan kami ng katahimikan nang biglang nagsalita si Axel. "You still love bicol express."
Muntik na akong masamid sa aking kinakain sa sinabi niya. Pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng mesa habang nanliliit ang matang nakatingin sakanya.
"Sino, King?" takang tanong ni Dixon? Yes, Dixon.
Tumikhim si Red nang naramdaman niyang bumigat ang awra sa hapagkainan. "Me. I love bicol express."
--
TAWANG-TAWA ako kay Red nang di maitsura ang mukha nito pagbabang Super Biking. Yung parang barko na ginawang duyan? Masama akong tinignan ni Red at nilapitan ako.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Novela JuvenilJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...