Kabanata 5
Pumitong muli ang referee at nasa kabila naman ang bola. Ito ang first day try-out para sa volleyball. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung sino si Kelly.
Nabaling ang tingin ko sa mga naglalaro nang sumigaw ang isa at bumulusok ang bola papunta at pwesto ni Ella. Tumayo ako upang sana ay sumigaw nang mabilis itong tumama sa noo niya na ikinahimatay niya.
Mabilis akong lumapit sa kanya at meron ding lalaking tumulong sa kanya upang buhatin. "Dalhin natin siya sa clinic!" taranta kong wika.
Malalaki ang hakbang ng lalaki papuntang clinic kaya lakad-takbo ang ginagawa ko para lang makapantay sa lakad ng binatilyo.
"Take care of her. I'll leave," anito nang mailapag niya si Ella sa kama.
"Teka!" Nakagat ko ang labi ko nang palabas na ito ng pinto. Humarap ito sa akin kaya yumuko ako ng konti. "Maraming salamat."
Binalik ko sakanya ang paningin at nakita kong ngumiti ito. Ang gwapo!
"You're welcome." Ginulo nito ang buhok ko bago umalis.
Bumaling naman ako sa nars na kasalukuyang sinusukat ang blood pressure ni Ella. "Kamusta po siya?"
Tumuwid ito ng tayo at bumaling sa akin dala ang isang ngiti. "She's fine. Masyado lang malakas ang pagkatama ng bola sa ulo niya na ikinahimatay niya. No minor damage. She just need to rest. I have to go."
Ngumiti ako at nilapitan si si Ella. At umupo sa tabi ng kama na hinihigaan niya. Napabuga ako ng hangin.
I watched her sleep.
Pasensya ka na Ella, 'di kita kayang ipaglaban kay Jennie. Hindi ko teritoryo ang kinatatayuan ko. 'Di ako pwede magsiga-sigahan dito. Saka na siguro kung tumagal ako dito o di kaya'y.... Ako ang gagalawin nila.
Napabaling ako sa kanya nang gumalaw at dinilat ang mata nito. "Okay ka lang ba?"
Inilibot nito ang paningin at huminto nang dumapo ito sa akin. "Anong ginagawa ko dito?"
Ngumiti ako. "Isinugod ka dito matapos kang mag-collapse. Natamaan ka ng bola."
Biglang tumunog ang speaker dito sa loob ng clinic.
'Students, kindly proceed to the hall now. Repeating, students, kindly proceed to the hall now.'
Nagkatinginan kami ni Ella bago tumango. Inalalayan ko siyang makababa sa kama at inikot ko ang braso ko sa kanya upang maalalayan siya sa paglalakad.
"Ano kayang i-aanounce ng Dean? Parang emergency, e," ani ni Ella habang naglalakad kami. "Nga pala, marami akong tanong sa'yo."
"Ano naman 'yon?"
"Mamaya na. Andito na tayo."
Naupo kami sa likurang bahagi ng hall. Kita kong nakaupo si Sir Jared sa may harapan at seryosong nakatitig sa lalaking may hawak ng mikropono sa stage.
"Good day, students. We called you all here for an announcement. The listing of sports for the intramurals is final. Nagrereklamo ang iilang schools dahil next week should be our sembreak. Pagpipilian lang kayo sa sports na sinalihan niyo. So, that's all for today. Dismiss."
Nasilabasan naman ang mga estudyante sa hall. Hinanap ng mata ko si Sir Jared ngunit hindi ko masagap.
"Ella." Kinalabit ko ito. "May titignan lang ako, babalik rin ako pagkatapos."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumuloy sa pagtakbo palabas. Mabibilis ang hakbang ko palabas ng school. Nakita kong papasakay si Sir Jared sa kanyang kotse kaya tumakbo ulit ako ng mas mabilis pa papuntang pwesto niya.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...