Kabanata 36

27.1K 999 112
                                    

Kabanata 36

"Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong.

Nagkibit balikat lang ito at naunang naglakad. Nagtataka naman akong sumunod sakanya. We're here in Enchanted Kingdom. Ewan. 'Yan kasi ang pangalan na nakalagay sa labas.

Napanganga naman ako nang makita ang mga rides. Damn! Roller coaster!  Gusto kong sumakay diyan!

Pasimple kong hinila ang laylayan ng damit ni Red. Iritado niya naman akong nilingon.

"Oh?"

Nginuso ko ang Roller Coaster. "Sakay tayo diyan."

"Gusto mo? May pera ka?" taas kilay niyang tanong sa akin na ikinasimangot ko.

"Wala." I shook my head. "Sige na..."

"Eh 'di hindi tayo sasakay. You need to buy tickets before you can ride that goddamn Space Shuttle," he replied.

Huminto ako sa paglalakad. I crossed my arms in front of my chest and said. "Anong gagawin natin dito? Magpapasyal? Alam mo bang nangangalay ang mga binti ko kanina pa dahil sa pagsama sa akin ni Ma'am Sandra magshopping? Tapos dadalhin mo ako dito para lang maglakad-lakad? Bwisit. Uuwi na nga lang ako."

Pumihit ako patalikod sa kanya at nagsimulang humakbang. Five steps, then I felt an arms wrapped around me.

"Tampo ka agad? I'm just testing your patience," nanlalambing nitong bulong na siyang nagpabilis ng pintig ng puso ko.

My cheeks reddened when he started swaying our bodies. Tumikhim ako at huminga nang malalim.

"Tapos ka na? Bitiw!" mahinang sigaw ko.

Narinig ko ang munting pagtawa nito. Naramdaman ko naman siyang lumayo sa akin na ikinaluwag ng hininga ko. Napawi rin ito nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kanya.

"Ano? Space Shuttle?" nakangiting ani nito na ikinataka ko.

"Bakit ka nakangiti?" nagtataka kong tanong.

Nagkibit-balikat ito. "Bakit? Hindi ba pwedeng ngumiti?"

"Hindi." Umiling ako. "Nakakapanibago. Mukha kang ulol na nauulol," I said as I rolled my eyes on him.

Humalakhak ito nang malakas. Nakuha agad ng atensyon ko ang roller coaster nang dumaan ang sasakyan nito habang sumisigaw ang mga tao. I really want to ride that one.

"Tara na. Malapit na matapos ang ride na 'yan. Baka matagalan tayo sa pagbili ng ticket," nakangiting sambit nito.

Nagtataka ako sa mga ngiti niya. This is the first time na nakita ko siyang nakangiti ng ganito. Yes, he's smiling everyday, but not like this. Bakas sa mga mata niya ang kasiyahan.

"What are you waiting for?" Taas kilay nitong tanong. "Tara."

Bumuntong hininga ako at winaksi sa aking isip ang mga katanungan sa likod ng mga galaw at ngiti ng alaga ko. Basta makasakay ako sa roller coaster na 'yan.

Ngumiti ako at hinila ang kamay ni Red at tumakbo papuntang bilihan ng ticket.

"Hey!" rinig kong natatawang ani ni Red nang hinila ko siya bigla.

Habang tumatakbo, nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng aking hininga.

Unti-unting humigpit ang kapit ko sa kamay niya. I bit my lower lip and tried to breath. Bumabagal na rin ang takbo namin hanggang sa huminto kami sa ilalim ng puno.

Agad kong binitawan ang kamay niya at sinapo ang dibdib ko. I opened mouth to breath ngunit hindi kinaya. Hindi ako makalanghap ng hangin.

"What's wrong?" nagtatakang tanong ni Red at hinawakan ang balikat ko.

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon