Kabanata 46
Lumipas ang buong linggo hanggang matapos ang Disyembre. Walang nangyaring pansinan sa aming dalawa ni Jared. Hindi na rin ganoong malambing si Axel.
Kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko pauwi ng probinya. Ngayon na ako uuwi. Nagpalipas lang ako ng bagong taon dito marahil ay iyon ang gusto ni Ma'am Sandra. Tumawag nga sa akin si Mama kanina, nagtatampo dahil hindi ako nakauwi.
"Natasha..."
Lumingon ako sa aking likuran at namataan si Ma'am Sandra na nakatayo sa hamba ng pinto. Ngumiti ito at nilapitan ako.
"Magandang Umaga po, Ma'am Sandra."
Umupo ito sa kama at ngumiti. "Magandang umaga rin." Nagbaba ito ng tingin sa mga damit na hawak ko. "Sigurado ka na bang aalis ka?"
Nagdadalawang isip akong tumango. "Opo, Ma'am. Doon nalang ako maghahanap ng trabaho. Mas malapit po sa pamilya ko."
"Why don't you just continue your study here?" Naglabas ito ng isang brown envelope. "Actually, the contract must be over since Jared attended the meeting last year. But then, I think that maybe you are the reason why he keeps on attending meetings involving our business. Na hindi niya naman ginagawa since he turned eighteen."
"May mapapangasawa na po si Sir Jared—"
"That's why I'll give you this." She handed me the envelope. "Sign it. For two years. Pagkatapos ng kasal ni Jared, you'll stop babysitting him and just be a maid here. Continue your study. I know how much you need it."
"P-po?"
"Sign the contract." Ngumiti ito. "I'm sorry if i have this kind of attitude. I know I'm being bossy but please, sign it. I'll pay for your tuition and school matters."
Umiling ako at binalik sakanya ang envelope. "Okay na po sa aking huminto. Sobra-sobra na po ang naitutulong niyo sa akin."
"That's nothing." Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay dito ang bolpen. "Just sign it, Natasha."
"Bakit niyo po ako tinatrato ng ganito?" biglaan kong naibulaslas.
Natigilan ito. A moment later, a sad smile escape on her lips. "I just remember someone whenever I saw you."
"Po?"
Bigla itong natauhan at agad na umiling. "Never mind." Ngumiti ito. "Sign it, hija. Then we're settle."
--
"Good morning, class." Pumasok si Ma'am Mendez, our historical professor. "Open your book on page 214."
Nalukot ang mga mukha ng kapwa ko kaklase habang nagbubuklat ng libro. Sino ba naman hindi malulukot ang pagmumukha kung ang asignatura ay nakaantok. Dagdag pa ang boses niyang pang-lullaby.
May kumatok naman sa pinto kaya nilapitan ito ng Propesor. Pumasok naman si Janice Macula na may ngiti sa labi.
"Good morning, everyone. I'm sorry to disturb your class. This announcement is really urgent." Ngumiti ito nang makita ako bago nagpatuloy. "Next week will be the celebration of our school's anniversary. May mga patimpalak na pwede ninyong pasukan. Kagaya ng liga, dance contest, singing contest, at beauty and brain pageant."
Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa narinig. "Ano ba ang mga qualifications para sa pageant."
"Well..." Tumikhim ito. "Search for Mr. And Ms. Campus is by section. Every section should have their representative. So I suggest you to find your candidate for the contest."
"Ako na lang kaya?" anang isang babaeng nakakulay blue na crop top. She's Annalise. Medyo bitchy at party girl. Maganda rin naman ito.
"Huwag!" tutol ni Marie. "Si Natasha na lang! Matalino naman siya!"
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Novela JuvenilJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...