Kabanata 56

28.2K 893 123
                                    

Kabanata 56

"Saan ba tayo pupunta? Nangangati na ako sa gown na suot ko," reklamo ko sa lalaking kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan.

We didn't finished the party. Matapos maanunsiyo na siya na ang magtataguyod sa negosyo ng mga Montenegro, agad niya akong kinaladkad palabas ng hotel at pinasakay sa sasakyang ito.

"Just stay quite," he answered, not even looking at me.

Huminga nalang ako nang malalim. Ano kaya ang iisipin ng mga taong nandoon at nakasaksi sa kalandiang ginawa ni Red? They might think of me as his girlfriend. Tumikhim ako upang maalis sa sistema ko ang mga kagagahang naiisip ko.

"You look so hot on your gown. Who bought it?" he asked.

Nagkibit balikat ako. "Ito ang pinasuot sa akin ng ina mo."

A mere grin plastered on his lips. "It looks good on you." Bumuntong hininga ito at sumandal sa likod ng kanyang upuan. "I really thought you won't come. Hindi kita nakita nung umuwi ako kaninang tanghali."

"Paano mo naman ako makikita kung kinulong ako ni Ma'am Sandra sa maid's quarter kasama si Kyla at Ylenne na nag-ayos sa akin," nakasimangot kong sagot.

"Where's your glasses anyway?" He ask, I can feel irritation on his voice. "Why are you not wearing it?"

Tumingin ako sa labas ng bintana, unti-unti ay nagiging pamilyar na sa akin ang daanan. "Kasi nahihiya na ako tuwing binibilhan ako ni Ma'am Sandra ng bagong salamin dahil palagi itong nasisira, that's why I decided to wear contact lenses."

"You should've told me. What's my purpose being your boyfriend?"

Umayos ako ng upo nang may maalala ako. "Anong boyfriend na pinagsasabi mo? Excuse me, dalagang pilipina ako. Hindi ka nga nanligaw sa akin, so tell me, paano kita naging boyfriend."

He glance at me with an amuse look on his eyes. "Seriously, Natasha? Gusto mo pang magpaligaw?"

"Oo." Tinaasan ko ito ng kilay.

"Damn this woman. Sorry but I don't do courting thingy," he replied.

"Then we're not in a relationship."

"Don't worry." Inabot niya ang kamay ito kong nakapatong sa aking hita, pinisil niya at nginitian ako. "For you, I'll court you everyday. Araw-araw, Venice. Araw-araw."

His one hand is still holding my hand while the other is holding the steering wheel until we reached our destination.

Nauna itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. As I step outside, the coldness of wind hugged me. Agad kong niyakap ang aking sarili nang makaramdam ako ng lamig marahil ay isang off shoulder ang suot ko.

Napalingon ako sa taong nagpatong ng business suit sa aking mga balikat. "Take it. Nilalamig ka."

Hindi na ako umangal sa sinabi niya. I choose to take a step into the railings where I can see the whole city. Naagaw ang atensyon ko sa isang bench na may katabing ilaw ng poste.

"S-sinong..."

"I did it," wika ng taong tumabi sa akin at tinanaw ang buong siyudad. "While you're sleeping, I ordered our people to make that. Para kung sa susunod na dadalhin kita dito, may mauupuan na tayo at nang hindi ka mangalay kakatayo."

I covered my mouth in utter shock. "A-ang dami palang nangyari sa loob ng tatlong buwan kong tulog."

"Excluded pa dun ang pagpaparecover mo sa ospital na halos umabot ng isang buwan." Nilahad niya sa akin ang kanyang nakabukang palad. "Let's a seat for a while, Ms. Venice?"

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon