Kabanata 8
"Bakit ba ang tanga mo?!" galit na sigaw nito.
"Sir, Ito na po ang first aid kit," sabat ng nars.
Tinanggap ito ni sir Jared at tinanguhan ang nars; senyales na pwede na itong maka-alis. Bumaling naman ito sa akin at kinuha ang kamay kong walang lakas. Nanghihina na talaga ang buo kong katawan.
Nanghihina ko itong hinila at pinilit na umayos sa pagkakasandal ko sa headboard ng kama. "I can cure it myself," I said weakly.
Nagsalubong naman ang kilay nito. "Are you nuts? You're almost dying due to the large amount of blood wasted into your body, tapos sasabihin mong kaya mong gamutin ang sugat mong mag-isa?" malamig na wika nito.
Ngumisi ako. "Is it just me or the mighty Jared Montenegro is worried about me?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Shut the fuck up, Aurin. I'm not worried."
Tumahimik na lamang ako at pinanood siya habang ginagamot ang sugat ko. Seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa palad ko. Nang mtapos ay agad niya itong pinalibutan ng benda.
Agad naman itong tumayo at mataman akong tinignan. "I'll leave for a while," usal nito bago lumabas ng kwarto.
Agad akong bumuga ng hangin. Why did he suddenly acted concern towards me? O talagang bumalik ang sinasabi na lang mabait? O baka pinaglalaruan lang niya ako?
Napatingin naman ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Adam. Nginitian ko agad siya.
Humila siya ng upuan at tinabi sa kama ko. Agad siya ditong umupo at dinampi ang likod ng kanyang palad sa noo ko. "You have fever."
Nginitian ko nalang siya. "The academy won almost all the contests. The final rematch of the basketball is tomorrow. Congratulations by the way."
"Thank you." Binasa ko ang ibabang labi ko dahil feeling ko ay nanunuyo ito. "Good luck with your rematch tomorrow," I said.
Tumango lang ito. Hinawakan niya ang pulso ko at inangat palapit sa mukha niya. "What happened to your palm? Why did it bleed a while ago?"
Kime akong ngumiti. "Nadulas ang pinggan sa kamay ko..." Liar, Natasha. "Medyo malalim ang pagkabaon ng bubog kaya dumugo kanina."
Napakagat ako ng labi ko nang sumakit ang puson ko. Sumabay din ang pagsakit ng ulo ko na ikinangiwi ko.
"Hey! Are you okay?" tanong ni Adam. Hinawakan niya ang likod ko at hinimas.
Tumango lang ako at tinulak ang kamay ni Adam paalis sa likod ko. "Okay lang ako."
Umupo ito ulit. "Bakit ka pa lumaban kung alam mong nanghihina ka na?" Iritadong tanong nito.
"I don't wanna fail our school's reputation." Huminga ako ng malalim. "So I did my best to win the game."
"Knowing what'll happen to you next?" sumabat bigla sa usapan ang lalaking kakapasok lang.
"Hey, man," pagbati ni Adam. Tango lang ang sagot ni Sir Jared at nilapag sa side table ang bulsetang sa palagay ko ay pagkain ang laman.
"Eat that," ani ni sir Jared at bumaling kay Adam na nakatitig lang sa amin. "What's the next game?"
"Volleyball then swimming," Adam replied.
Humiga si Sir Jared sa isa pang kama. "I'll stay here."
Rinig kong mahinang natawa si Adam na ikinalingon ko sa pwesto niya. "Why? Don't you wanna see Jennie wearing a panty-short with a sando that will almost reveal her boobs?" Pilyong ngumisi si Adam.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...