Kabanata 30

28.3K 1K 100
                                    

Kabanata 30

Blanko ang tingin ko sa kawalan. Biyernes ngayon at walang pasok, program lang kasi ang meron. Ang lahat ay required na pumunta pero pina-absent ako ni Red. Ewan ko kung bakit. Matapos nung huling nangyari, lumipad pabalik sila Ma'am Sandra sa New York para sa pagpapatayo nila ng ospital doon. Hindi rin naman nagsalita si Red noong nagpaalam sila sa kanya.

Hindi ko talaga inakalang ganon pala ang pagtatrato nila sa isa't-isa. What I mean is, pamilya sila. Dapat sa pamilya nagmamahalan.

Look, whose talking. Mahal ka ba ng daddy mo, Natasha? Tanong ng munting tinig sa isip ko na ikinairap ko.

"Manang ako napo." Nilapitan ko si Manang Eda at inagaw sa kanya ang dalawang sako ng basura.

"Ako na, Hija," aniya at inabot ang sako. Agad ko naman ito iniwas, medyo mabigat ang isa.

Ngumiti ako sakanya. "Ako na po. Sa harap lang naman po ito ng bahay ilalagay eh. At saka, diba po magdidilig ka pa po sa mga halaman?"

Huminga ito ng malalim na para bang sumusuko na. "O siya, sige. Pumasok ka agad dito sa loob. Malapit nang mag-alas singko, baka uuwi ng maaga si Sir Jared. Magalit pa 'yun dahil pinagalaw ka namin dito."

Tumango ako at ngumiti ulit. Nagpaalam na akong itatapon na ang basura kaya nagpaalam rin siyang magdidilig pa.

Lumabas naman ako ng bahay. Nahirapan pa akong hilahin ang isang sako dahil mabigat ito. Nilagay ko ito sa pwesto kung saan madali lang makita ng mga garbage picker.

"Hija?"

Napaigtad ako at agad na lumingon sa babaeng tumawag sa akin.

"Po?" magalang kong sagot.

Tinignan ko siya ng mabuti. Medyo kulubot na ang kanyang balat na mapaghahalataan mo talagang matanda na. Suot niya'y isang medyo maduming bestida at magulo ang buhok.

"Maaari ko bang makita ang iyong mga palad?" tanong niya.

Lumukob sa sistema ko ang kaba. "B-bakit po?"

Ngumiti ito. "Wag kang matakot. Di naman kita sasaktan. Gusto ko lang makita ang mga palad mo."

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba, pero nang ngumiti ulit siya, unti-unti kong iniabot sakanya ang kamay ko.

Tinanggap niya naman ito at binuka. She laced her pointing finger on the lines of my palm. "M-manghuhula ka po ba?"

Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Dati rati, hija." Nagbaba muli ito ng tingin sa mga palad ko.

Pinili kong 'wag nang sumagot at itikom nalang ang bibig ko. Pinanood ko kung paano magsalubong ang mga kilay niya at kung paano gumuhit ang ngiti sakanyang mga labi.

I found my strength to ask her. "A-ano po ang nakikita niyo?"

Tinignan ako nito at binitawan ang kamay ko. "Maganda ang kinabukasan mo. 'Yung ay kung tama ang daang tatahakin mo."

Nagsalubong naman ang kilay ko. "Po? A-anong ibig niyong sabihin?"

"Sundin mo ang sinisigaw nito." Tinuro niya ang puso ko. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang bawat desisyon nito." Turo niya sa utak ko.

"D-di ko po kayo maintindihan," naguguluhan kong saad.

Ngumiti ito at kinapa ang pisngi ko. "Alalahanin mo, Hija. Sa pagmamahal, di mo maiiwasang masaktan. Parte 'yun ng pagmamahal eh. Pero matuto kang sumuko kung alam mong pagod ka na. 'Wag mong sapilitang itaya ang puso mo sa laban kung alam mong maiiwan kang luhaan. Hindi lahat ng pinaglalaban, ay tama."

Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon