Kabanata 20
"Bilisan mo ngang kumilos!" rinig kong sigaw ni Red mula sa loob ng kanyang sasakyan.
Huminto ako pagkalabas ko ang pinto ng hotel. Binaba ko ang mga bagaheng dala ko at nameywang sakanya. "Kung tinulungan mo 'ko e di sana makakaalis na tayo."
Kita kong umirap ito at lumabas ng sasakyan. Napatakip naman ako ng tenga nang magtilian ang mga babae nasa likod ko. Wengya. Balak ba nilang basagin ang eardrums ko?
"Akin na." Inagaw niya sa akin ang dalawang maleta na dala ko.
"Buti naman." Tinarayan ko ito at naunang maglakad papuntang sasakyan.
Nilagay niya ang dalawang bagahe sa back compartment ng sasakyan at sumunod na sumakay sa driver's seat.
"Damn," mura nito. "Anong nilagay mo sa maleta mo? Ang bigat!"
Inayos ko ang salamin ko. "Mga bricks at bomba."
Umirap ito at inapakan ang silenyador at minaneho ito paalis ng Hotel. Habang nag b-byahe, nadaanan namin ang isang tindahan na may tatak na 7/11.
Kinalabit ko ang braso niya nang hindi man lang nagtapon ng tingin.
"Oh?"
Tinuro ko ang 7/11. "Papabili sana ako ng corneto. Please?"
Hindi ito sumagot at pinarada ang sasakyan sa parking lot ng 7/11.
"Dito ka lang. Ako na ang lalabas," ani ni Red.
Tumango lang ako at sumandal sa likod ng upuan. Pinanood ko siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob ng 7/11.
Mula dito, kita ko ang paglapit niya sa cashier at nagduro-duro ng kung ano sa machine. Tumango naman ang babaeng cashier at sa palagay ko ay inutusan ang isang crew.
Umayos ako ng upo at medyo niluwangan ang tali ng buhok ko. Tinanggal ko ang aking salamin at sumandal muli sa upuan.
Sana ganyan na talaga ugali ni Red, 'no? Di masungit, walang monthly period, antipatiko. I'll do everything para patinuin ang kagaya niya. He's lacking of care, love and attention. 'Yan ang napapansin ko sakanya.
Sila Ma'am Sandra at Sir Jace kasi ay busy sa trabaho kaya hindi nila masyadong nabibigyang atensyon si Red.
"Here. Kainin mo na. Baka matunaw."
Muntik na akong mapatalon sa upuan ko nang bigla siyang magsalita.
"You startled me." I said as I held my chest.
He rolled his eyes and began to maneuver the car away from the store. Binalatan ko naman ang corneto at nagsimulang kumain.
"Sa hotel pa rin ba tayo magche-check-in?" tanong ko habang kumakain.
"Nope. Sa resthouse ni Mommy," sagot siya.
Nagkasalubong naman ang kilay ko sa wika niya. "Sa mommy mo lang? Sa inyo namang pamilya 'yun ah?"
Umiling ito. "No. We have different rest houses all over the globe. Daddy and I have penthouses in abroad."
"Eh? Sa mommy mo?"
"Just inside the country. She love the beautiful spots in Philippines," sagot niya na di man lang nagtapon ng tingin, marahil ay nagmamaneho.
"Ahh. Pangalanan mo nga ang mga penthouse mo," wika ko sabay lamon ng natitirang corneto.
"My penthouses were located in California, New York, New Greece, Madrid, South Korea, Canada, and a single resthouse in Philippines."
"Saan naman?" curios kong tanong.
BINABASA MO ANG
Babysitting the CEO's Son [COMPLETED]
Teen FictionJared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya ang mambugbog at maglakwatsa tuwing gabi. Then the girl named Natasha Venice Aurin who applied to be h...