Maymay's POV
Proposal
Kinaumagahan ay napansin ko agad ang mga petals na nakakalat sa sahig .
It's a petals of white rose.
Sinundan ko ito at dahan dahang bumaba sa hagdan habang nakangiting sinusundan ng aking tingin mga nagkalat na mga petals .
Paglabas ko sa front door ay nakita ko si mama at daddy sa aming Garden .
Nandito din silang lahat .
Si Marco , Patrick , Khenly at Patricia .
Si Edward naman ay nakatayo ito sa gitna ng mga petals na hugis puso.
" A-ano to ? " nagtataka kong tanong sa kanila .
Hindi nila ako sinagot pero lahat sila ay may ngiti sa kanilang mga labi at tila nag aabang ng mga susunod na mangyayari.
Hinila ni Edward ang aking kamay papalapit sa kanya.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at may nilabas itong isang maliit na kahon sa kanyag bulsa.
Nanginginig ang kanyang kamay habang binubuksan ang puting kahon at iniharap sa akin.
Lumaki ang aking mga mata sa aking nakita ..
It's a ring !!!
Napatakip ako ng aking bibig at napatingin kay Mama at Daddy .
" Ahemmm.." pagtikhim ni Edward na parang may bumara sa kanyang lalamunan .
" Teka lang ... " sabi niya sa kanila .
Nagtawanan silang lahat .
" P--please Marry me MaryDale Entrata " nanginginig niyang sabi .
Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagkabigla.
At nang makabawi sa aking emosyon ay sinagot ko siya ng paulit ulit na " oo " .
Tumayo si Edward mula sa pagkakaluhod at niyakap ako ng mahigpit .
Lahat sila ay nagpalakpakan sa amin .
Pareho kaming nag iiyakan ni Edward sa tuwa .
" I love you MaryDale " sabay halik sa aking pisngi.
" I love you too Edward " matamis ko ding sagot sa kanya.
Humarap kami ni Edward sa kanilang lahat at iniharap ko ang aking daliri na may suot na engagement ring .
--------
4 months ago
Dumaan ako kanina sa aking Doctor at nalaman kong im 2 months pregnant .. lately kasi medyo sumasakit ang aking ulo ang akala ko ay normal lang iyon dahil sa aking pagpupuyat sa trabaho ko bilang isang nurse .
Oh baka magtaka kayo kung paano ako nabuntis sa kanya eh wala pa namang nangyayari sa amin .
Bakit gusto niyo bang malaman ???
Huwag na ..sa amin na lang yun haha ..
Basta masaya ako ngayon ..masaya ako na magkakababy na kami ni Edward .
For sure matutuwa si Edward pag nalaman niyang buntis ako .
Bless kami kasi binigyan kami agad ni Lord ng angel namin .
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )