Who is she ?

798 67 15
                                    


" When do you propose to her ? " tanong ni daddy sa akin.

" Tonight! " buong disisyong sagot ko. Magpropropose ako ngayong gabi sa harap ng pamilya ko , mga kamag-anak , kaibigan at sa harap ng pamilya ni Maymay.

I know that Maymay would be surprised but I am ready for whatever she would react. And if ever this is not the right time for it , I am still willing to wait for the right time to come .

Nagulat ako nang may tumili sa aming likuran . Sabay kaming napalingon ni daddy kay ate Laura.Nakatutop ang dalawang palad niya sa kanyang bibig at kitang kita sa mata niya ang labis na katuwaan. 

" Did I hear correctly that y--you propose to Maymay ? " she said with full of happiness in her voice.

Tumango ako habang may ngiting naka paskil sa labi ko. 

" Yep ! "

" When ? " tanong ni ate Laura na hindi natatanggal ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi.

" Tonight " sagot ko na may kabang nararamdaman sa aking dibdib.

Hindi ako kinakabahan sa isasagot ni Maymay sa akin . Kinakaban ako kasi gagawin ko ito hindi lang sa harap ni Maymay kundi sa harap din ng maraming tao , sa harap ng pamilya niya.

" What's going on ? " bungad naman ng isang pamilyar na boses . Nakatayo siya sa gilid ng pintuan na nakahalukipkip ang dalawang braso.

" He's going to propose tonight with Maymay ! " masayang balita ni ate Laura kay mommy.

Parang hindi nagustuhan ni mommy ang kanyang narinig .

" Aren't you happy hon ? " tanong ni daddy kay mommy nang makita niya ang naging reaksyon nito.

" You can't propose to..." pinutol ko ang sasabihin niya sa akin.

" And why not mom ! " pabulyaw kong sabi.

Lumabas si daddy at ate Laura . Naiwan kaming dalawa ni mommy sa loob . Tumayo ako para isara ang pinto ng kwarto ko.

" Because I don't want her for you." matabang na sagot nito sa akin.

" Pero bakit mom ! A-anong mali kay Maymay ? " tanong ko .

Hindi siya makasagot kaya lalo akong nainis.

" Can not think of a reason , right? And if there is , I accept that. Kaya huwag mo nang balakin na sirain kami , kasi hindi mangyayari 'yang gusto mo. " sagot ko.

" Dahil minsan ka nang iniwan ng babaeng 'yan , Edward. " biglang sagot ni mommy sa akin.

Napaupo siya sa gilid ng kama ko. Umupo din ako sa gilid ng aking kama , tabi ni mommy.

" Minsan nadin siyang nawala sa akin , mom. " sabi ko at saglit akong sumulyap sa kanya.

" At pwedeng maulit 'yun. " katwiran naman niya.

" Mauulit lang 'yun kung hahayaan ko na sa ibang lalaki siya magpakasal. " sabi ko .

Naramdaman ko ang  paghinga ng malalim ni mommy sa aking tabi. Tumingin siya sa akin at tila nag iba na ang awra ng kanyang mukha. Umaliwas na ito at unti unting may sumilay na ngiti sa kanyang mga labi.

" Anak kita at mahal kita , sana naiintindihan mo kung ano ang ipinaglalaban ko . "

Alam ni mommy kung paano naging miserable ang buhay ko nung iniwan ako ni Maymay , tuwing tatawag sila ay lagi nalang akong lasing , halos mabaliw ako noon. Sabi pa nga niya ay umuwi nalang ako sa Germany at doon magmove on , kaya naiintindihan ko siya .

" Kaya nga mommy. Anak mo ako kaya dapat suportahan mo ako . " sabi ko .

" Okay . Pero may problema tayo . "

------------

Maymay's POV

Alas onse na at ngayon palang ako maliligo . Kinuha ko ang aking twalya na nakasabit sa kabinet , papasok pa lang ako sa banyo nang tumawag si Vivoree sa akin. Traffic daw kaya medyo matatagalan sila .

" S-sige okay lang Viv. Tawagan mo nalang ako kapag malapit na kayo. " sabi ko.

" Sige te ." sagot ni Viv sa kabilang linya.

" Okay bye ! " sabi ko at pinindot ko ang end button. at inihagis ko ang aking cellphone sa ibabaw ng kama.

Pumasok ako sa loob ng banyo at agad na naghubad ng aking damit . Binuksan ko ang shower at pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tubig na dumadaloy sa aking katawan.

Nang matapos ako ay agad akong nagtapis ng twalya sa aking katawan. Nagbihis muna ako ng pambahay. Pagkatapos ay dinampot ko ang aking cellphone sa ibabaw ng kama para i-text si Edward.

Hi .. Nandyan na ba sila mama ? - Maymay.

Hindi siya nag reply sa akin.

Baka busy .

Tinuon ko nalang ang aking pansin sa ibang bagay, sa pagpapatuyo ng aking buhok . Pagkatapos ay bumaba ako sa sala at nagtungo ako sa kusina para kumuha ng chips sa kabinet . Lumabas ako at umupo sa aming kubo para magpahangin.

----------

Edward's POV:

" Okay . Pero may problema tayo. "

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabing 'yun ni mommy.

Nalilito akong tumingin kay mommy.

Anong problema ? tanong ng isip ko.

Kinausap ba niya si Maymay at sinabihan itong huwag nang pumunta dito ? Kaya ba hindi siya sumama kela tita Lara ? Sunod sunod na tanong ng isip ko.

Umawang ang aking bibig at handa na akong alamin kung bakit , pero naunahan ako ni mommy at siya ulit ang nagsalita .

" I invited her to attend Joshed's party and she was in the airport now. " sabi niya.

What ?!

W-who is she?

------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon