Baby Girl

728 73 9
                                    

Edward's POV

Pinuntahan ko si Maymay nang tapos na ako sa pag fill up at naabutan kong nakasuot na siya ng hospital gown habang nakahiga sa hospital bed at may nakakabit na dextrose sa kanya .

Lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya habang dinadala siya sa labor room , napatingin ako sa kanyang mukha at nakikita ko sa kanya ang pagtitiis sa sakit.

Naiwan ako sa labas at nag-antay kung kailan ulit lalabas si Doc . Ilang minuto din akong hindi makapakali sa kinatatayuan ko , at napansin ito nila Marco at Marcus kaya nilapitan nila ako.

" Relax bruh . " halos sabay na sabi  .

" Nasaan si Maymay ? " tanong naman ni mama Lara na kararating lang at nasa likod niya si daddy Ricky.

" Nasa loob na sa siya ng labor room , ma . " sagot ko.

Hanggang sa lumabas na si Doc sa labor room at nilapitan ako para sabihin na handa na si Maymay magpush. Matapos ay muli siyang naglakad at pumasok sa labor room .

Sumunod ako sa kanya.

" Pwede ko ba siyang samahan Doc ?" tanong ko.

" Yes sure. "  sagot niya at may inabot siyang gown para sa delivery room at gloves. Matapos ay dinala na si Maymay sa delivery room.

" Sigurado ka ba talagang kaya mo , babe ? " muling tanong ko kay Maymay habang nakahawak sa ulo niya. Tumingala siya sa akin sabay ngiti habang tumatango sa akin .

Gusto ni Maymay na maramdaman ang construction niya para alam daw niya kung kailan siya magpupush. Nag-aalala man ako at gusto ko man siyang bigyan ni Doc ng anesthesia pero wala akong magagawa dahil hindi ako siya at wala din akong alam tungkol sa mga ganitong bagay  .

Oras na para i-deliver ni Maymay ang baby namin . Nasa tabi lang niya ako hawak hawak ang isang kamay niya.

Nang sumilip si Doc at tumingin siya kay Maymay.

" Okay , Maymay. I can see the baby's head now. " sigaw niya. Kaya nagpushed si Maymay at humigpit ang hawak niya sa akin . Hanggang sa sumigaw ulit si Doc .

" Baby girl out ! " sabi niya at nakita ko ang pagpalo niya sa anak namin. Then I heard my daughter's cry for the first time.

Napatingin ako sa orasan at 11:28 pm na.

Napaiyak si Maymay kaya napukaw ang atensyon ko sa kanya. Pinunasan ko ang luha niya pati narin ang mga tumulong pawis sa gilid ng noo niya. Tapos yumuko ako at hinalikan ko siya ng matagal sa kanyang noo .

" You did it babe and I'm proud of you. " sabi ko ng nakangiti.

" I love you. " halos pabulong kong sabi sa kanya at hinalikan ko ulit siya.

" I love you too. " mahinang sagot niya.

Tumayo ako at nagpaalam ako kay Maymay para tignan ang anak namin. Lumapit ako sa bassinet at nakita kong nakabalot ng pink na blanket si baby.

Hindi ko mapigilang maiyak. Ito yung naramdaman ko nung una kong nakita si Joshed kahit na hindi ko siya nakita o nahawakan nung mga sandaling yun , tulad ngayon . Ganito pala kasaya .

Napalingon ako nang may humaplos sa aking likod at nakita ko si Doc na nakangiti habang nakatingin sa aking anak.

" Congrats again. " nakangiting sabi niya.


---------------

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon