Ginugulo ni Edward ang aking isip , hindi ko na alam kung alin ang totoo , sa mga sinasabi niya . Nalilito na ako .
" I kiss you " biglang sabi nito at pilit na nilalapit ang bibig nya sa labi ko , pero tinulak ko ang mukha nya palayo sa akin .
" Uhgg Edward , no ! " sita ko .
" Isa lang , babe ...please! " hirit niya .
" Hahalikan mo ako o lalabas ka ng kwarto at sa sala ka matutulog ? " tanong ko .
Nalilito itong tumingin sa akin .
" Asan ang pagpipilian ko do'n ? " tanong nito sa akin .
Imbes na sagutin ang tanong nya ay patanong ko din itong sinagot .
" Ano ba ang sinabi ko ? "
Inulit niya ang aking sinabi kaya natawa ako ng malakas .
" I mean magb-behave ka ba o papalabasin kita dito " sabi ko ng makabawi ako ng tawa .
" Magb-behave po " sagot niya at muli siyang yumakap sa akin .
Nagulat ako nang biglang may kumatok . Mabilis na kumalas sa akin si Edward at niyakap nya ang isang unan ko at ibinaon nya ang mukha nya doon .
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Patricia . Napatakip ito ng kanyang bibig ng makita si Edward na nakahiga sa kama ko .
" Oh my ! H-huwag mong sabihin na may ... "tinakpan ko ang bibig nya at pinandilatan ito ng mata ko .
Hinila ko si Patricia at sinara ang pinto . Hinarap ko siya para kausapin .
" Ano ka ba ! Baka may makarinig sa'yo " sabi ko at nagpalinga linga ako sa paligid saka dumungaw sa baba at muling tumingin sa kanya .
" Walang nangyaring chukchakan , okay ? , nakahiga lang kami at nag-uusap " hininaan ko ang boses ko habang nagpapaliwanag sa kanya .
Bakit ba kasi hinayaan ko siyang matulog dito sa kwarto ko , dapat ay dinala ko nalang siya sa sala at doon natulog kasama ang barkada niya . Pinag-iisipan tuloy kami ng kung ano-ano ni Patricia , tyaka hanggat hindi pa malinaw kung ano ang namamagitan saming dalawa ay hindi ko hahayaan na may mangyari ulit sa amin .
Ngumiwi si Patricia sa akin .
" Okay , may tiwala ako sa iyo , sa kanya ka ngayong gabi , basta bukas akin ka naman " saad nito na ikinatuwa ko , mag-asawa nga daw kami at si Joshed ang aming anak .
" Sige my loves , puntahan ko lang ang anak natin , magpakasaya ka sa piling niya , basta maghilod ka muna bago ka tumabi sa akin " dugtong pa niya saka tumalikod . Umalis na si Patricia na malamang ay pumasok na sa kwarto nya .
Tinamaan na ang gaga at kung ano-ano na ang pinagsasabi niya sa akin .
Umiling-iling akong bumalik sa kwarto ko . Tumingin ako sa kama ngunit wala si Edward .
Hinanap ko siya sa loob ng banyo at wala din siya doon .
" Edward ? " tawag ko sa kanya .
" Ehmmmmm ! " rinig kong pagmamaktol niya ,sinundan ko ito at natawa ako sa aking nakita .
Nasa ibaba siya ng kama at halos pumasok na siya sa ilalim .
Lumapit ako sa kanya ,para gisingin siya .
" Edwarddd " sabi ko at niyugyog ang balikat niya pero masarap parin ang tulog nito .
Linapit ko ang bibig ko sa tenga niya .
" Gusto mo dyan ? " bulong ko at hindi parin siya nagising .
Marahan kong tinapik tapik ang pisngi niya .
" Malamig dyan ! " ika ko .
Ang hirap nyang gisingin huh !
Alam ko na ! Magpapatulong nalang ako .
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa sala , buti nalang at gising pa si Marco at Patrick .
Naabutan ko silang nakahiga sa may poam na nasa sahig habang naglalaro ng mobile legend . Samantalang si Donny ay naka dipa at nakatakip ang unan sa tenga nya at nasa tabi nya si Marcus na mahimbing nading natutulog .
Narinig ko ang malulutong na mura nila sa kanilang mga kakampi .
Tang *** huwag kang pa feed !
Oh fuck ! Sabing back up , mga bobo !
Mga cancer kayo ,mga bobo !
Damn noob !
Mamamaos na ata sila kakasigaw na halos madurog na ang screen ng cellphone nila , buti sana kung naririnig sila ng mga kakampi nila .
Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin kasabay ng pagtahimik nila .
" What ? " tanong ni Patrick sa akin at muling itinuon ang tingin nya sa screen ng cellphone nya .
" I-i need help " nahihiyang sabi ko .
" Saan ? " kunot noong tanong ni Marco sa akin habang naglalaro .
" Kay Edward , n-nahulog kasi siya sa baba ng kama " sabi ko .
Natutop ni Marco ang bibig nya , lumubo pa ang pisngi nya , saka bahagyang sumingkit ang mata nya at tila may ibang naglalaro sa isip nito .
Ganoon din ang naging reaksyon ni Patrick , lumaki pa ang mata nya at malaki ang awang ng kanyang bibig .
" O-ooppss ! , mali kayo ng iniisip , n-nahulog siya sa baba kasi ..ano " wala akong maisip na dahilan .
" A-ano ? " tanong muli ni Patrick .
" Basta nahulog siya habang natutulog . T-tutulongan nyo ba ako ? " sabi ko . Hindi nila ako sinagot , parang wala silang pake-alam kay Edward.
Napakamot nalang ako ng noo ko habang tinitignan silang naglalaro ng mobile legend sa cellphone nila .
" F*ck ! damn noob " biglang sigaw ni Marco .
" Defeated nanaman Marco ! " reklamo naman ni Patrick.
" T-tara na nga ! " pag-aaya ni Marco . Iniwan nila ang kanilang cellphone sa ibabaw ng poam saka tumayo .
Nauna akong pumanhik sa taas, sumunod sila sa akin .
Binuksan ko ang ilaw at tinuro si Edward sa kanila . Tulad ko ay natawa din Si Patrick at Marco , sa kanilang nakita . Mas malakas pa nga ang pinakawalan nilang tawa kaysa sa akin .
" Patrick , kunin mo 'yung cellphone ko sa baba , kukunan ko siya ng picture " utos niya .
Dali-dali namang kinuha ni Patrick ang cellphone ni Marco . Pagkaabot nya ay agad nyang kinunan ng picture si Edward .
Sumama pa si Patrick at nagawa pa niyang mag peace sign habang nakadila .
" E-se-send ko ito sa group chat natin , bruh" natatawa niyang sabi .
Pagkasend ni Marco ng photo sa group chat , ay bumaling sila kay Edward at maingat nila itong binuhat , saka pabagsak na binitawan sa kama , ginawa nilang katatawanan si Edward , kaya hinila ko na sila palabas ng kwarto ko .
" Thank you , guys ! " sabi ko .
Ngumiti sila ng nakakaloko sa akin bago sinara ang pinto .
Dudumi ng utak !!!!
------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )