Maymay's POV:
Muli kong sinulyapan sila mama at daddy at nakita ko sa kanilang mga mata ang labis na kasiyahan. Ganun din ang pamilya ni Edward.
Umikot ang mga mata ko sa mga taong nakapalibot sa aming dalawa .Lahat sila ay may ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi habang pumapalakpak .
" Hey ! " nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Marco na may kaakbay na isang babaeng sexy habang may hawak na baso ng wine.
" Congrats bruh ! " masayang bati ni Marco kay Edward.
Sumunod din sila Patrick , Marcus at Donny kay Marco at binati din nila ang kanilang kaibigan.
" Thanks guys ! " nakangiting sagot ni Edward habang nakahapit parin ang kanyang kamay sa aking beywang.
Matapos niyang magpropose sa akin ay hinila niya ako papunta sa mini stage.
Tumayo ako sa tabi ni Edward , nakaharap kami sa mga bisita habang nasa mga bisig niya si Joshed at karga-karga niya ito.
" Thank you for coming. I hope you will enjoy this party and have fun tonight. "
Matapos niyang magspeech at ipakilala si Joshed ay masigabong palakpakan ang sumunod.
Inalalayan niya akong bumaba sa stage . Nagtungo kami sa isang bakanteng lamesa ,inalalayan niya akong umupo sa katabing upuan niya.
"Thank you." sabi ko .Kinuha ko si Joshed sa kanya at inupo siya sa tabi ko at nasa tabi naman ni Joshed si Patricia .
"Wait for me here ,babe . I get you food." sabi niya .
" Okay . " mahinang sabi ko. Pero nakaramdam ako na parang may kulang na parang may hinihintay pa siyang karugtong na sasabihin ko.
Nag-angat ako ng tingin kay Edward na hindi parin umaalis sa tabi ko.
" What? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
" Never mind ." seryosong sagot niya bago tumalikod at nagtungo siya kung saan nakadisplay ang mga pagkain.
Bahagyang umatras si Patricia ,kinalabit niya ako sa aking balikat at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
" Hindi mo kasi siya tinawag na ,babe ! " bulong niya sa akin kaya napasulyap ako sa gawi ni Edward.
Now i know. Babawi nalang ako sa kanya.
Matapos kumuha ni Edward ng pagkain ay agad siyang bumalik , at inilapag niya sa harap ko ang dala niyang pagkain.
"T-thank you babe. " nakangiting sabi ko.
Kinuha niya si Joshed bago inupo sa kanyang kandungan.
Sinulyapan ko si Edward at nakasimangot parin ito kaya walang paalam ko siyang hinalikan ng mabilis sa kanyang labi.
Wala man lang siyang naging reaksyon. Nakayuko lang siya na seryosong kumakain at hindi parin umiimik.
" Pssst.. " pinindot ko ang kanyang pisngi.
" Babe. " nilagyan ko ng lambing ang aking boses.
" Nagtatampo ka ba ? " tanong ko.
Umiling siya.
" Sa kanila nalang siguro ako makikisalo. " sabi ko sabay tingin sa kabilang table na may nakaupong mga lalaki.
Palihim kong sinulyapan si Edward .
Nakayuko siya habang abala sa kanyang pagkain.
Umakto akong nagtatampo at tatayo na sana ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako pabalik ,muli akong napaupo .
Tumingin siya sa akin.
" Eat your food. Bago lumamig yan. " utos niya sa akin.
Nakita kong may dumi sa labi niya. Habang pinupunasan ko ang gilid ng labi niya ay nakatitig lang siya sa akin.
" So alam mo na , na kapag hindi mo ko tinawag na babe , hindi kita papansinin. " sabi nito.
" Oo na . Sorry na po. Huwag ka ng magtampo,babe. " sabi ko sabay hawak sa kanyang pisngi at ngumiti ako ng matamis sa kanya.
Nakangiting nag-angat ng tingin si Joshed sa amin . Hinalikan ko siya sa kanyang labi , at ipinasa naman niya ito sa kanyang daddy.
Nakangiting yumuko ako at nagsubo ng pagkain .
" Daddy can I play with them ? " turo ni Joshed sa mga batang naglalaro.
Tumango si Edward at ibinaba niya si Joshed.
" Be careful. " sabi ni Edward.
" Don't run." sigaw pa nito nang mabilis na tumakbo si Joshed .
Matapos ay hinila ni Edward ang kanyang upuan ng mas malapit sa akin.
Napatingin ako sa kanya nang maramdaman kong inakbayan niya ako habang ang kanyang mga mata ay sa iba nakatingin , nasa mga lalaking nakaupo sa kabilang mesa.
Napatingin din ako sa kanila at nakita ko na nakatingin din sila sa gawi ko pero hinawakan ni Edward ang mukha ko at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.
" Sa akin ka lang dapat tumingin. "
Palihim akong kinilig sa pambabakod ni Edward sa akin pero mabilis itong napawi nang biglang may babaeng sumulpot sa harap ni Edward . Maganda siya.
Kita sa mga mata ng babae ang labis na pagkasabik kay Edward nang yumuko ito at bigla niyang niyakap ng mahigpit si Edward.
Unti-unti naman na napayakap si Edward sa kanya.
" I miss you. " sabi ng babae kay Edward.
Kumalas ng yakap si Edward sa kanya.
" Lesly , she's Maymay ,my fiancee. " pakilala ni Edward sa akin
Tumayo ako at ngumiti sa kanya . Nilahad ko ang aking palad kay Lesly at nakipagkamay .
" Oh honey you're here !" sabat naman ni Tanner bago umakbay kay Lesly.
Girlfriend pala siya ni Tanner. Pero bakit mas inuna pa niyang nilapitan si Edward kaysa kay Tanner na boyfriend niya ?
" Let's go to tita Rose honey, she's looking for you . " at walang paalam niya itong hinila at nilayo sa amin.
Parang pamilyar si Lesly sa akin. Parang nakita ko na siya dati.
Parang sa picture ko siya nakita.Napatingin ako kay Edward nang bigla kong maalala ito .
Sa isang litrato nga !..
Litrato na tinatago dati ni Edward sa kanyang pitaka nung college kami.
-----------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )