She's cool and pretty , pero parang lalaki kung kumilos .
Ang katawan nya ay pang model , pero kung maglakad ay maangas.
Tapos kung tumawa sobrang lakas at walang pakialam kung maraming makarinig.
Nanlaki ang mata ko nang buhatin nya ang lamesa at inilipat sa tabi ng pool area .
" M-melia , hindi mo kailangang gawin 'yan . " saway ko sa kanya .
" Hayaan mo ng si Marco ang gumawa nyan " sabi ko sa kanya at hinanap ko si Marco para buhatin nya ang mesa .
" M--marco ! " tawag ko sa kanya nang makita ko ito sa gilid ng pool . Naka topless sya habang nakaupo sa gilid at nakababad ang paa nya sa tubig .
Lumingon sya sa amin .
Nahihiyang napakamot sa kanyang ulo si Melia.
" Ay, huwag na po . Kaya ko naman eh , sanay po ako sa mabibigat " sabi nito sa akin .
Pero babae parin sya !
Tumayo si Marco at lumapit sya sa gawi ni Melia at walang sabing kinuha ang buhat nitong lamesa sa kanya.
" Ako na nga po sir ! " pagmamatigas nya sabay hatak sa mesa .
Parang mga batang nag-aagawan sa isang laruan .
Nagulat si Melia nang mas lumapit pa si Marco sa kanya at halos magdikit na ang kanilang katawan .
Tinitigan sya ni Marco ng masama .
" Shut up ! Or .... "
" I'll kiss you ! " pagbabanta ni Marco sa kanya .
Natahimik si Melia sa sinabi ni Marco at dahan-dahang umatras .
" M-marco ! " mahinang sabi ko pero may diin .
Hindi nya ako pinansin at nanatili syang nakatayo sa harap ni Melia .
" H-hindi tayo talo ! " iritadong sabi ni Melia at mahinang itinulak si Marco at saka tumakbo paloob ng bahay .
Naguluhan ako sa sinabi nya ,hindi sila talo ? Hindi nya type ang mga lalaki ganun at sa babae sya na a attract.
Tumawa ako ng malakas at napailing.
Nakita kong lumukot ang mukha ni Marco habang nakatingin sa akin .
Napatakip ako ng bibig ko at pinigilan ang sarili ko sa pagtawa.
" What's funny ? " tanong ni Marco .
Umiling lang ako habang nakatakip sa bibig ko ang dalawang kamay ko pagkatapos ay tumalikod ako at pumasok din sa loob ng bahay .
Nagpaalam ako kay nanay . Bibili ako ng mga bilog na prutas sa market .
" Patricia , maiwan ko muna kayo " sabi ko .
Biglang lumapit si Joshed at yinakap ako .
Balak nanaman nyang sumama sa akin . Yumuko ako at hinawakan ko ang baba nya .
" Sandali lang si mama , okay " sabi ko at dinampian ko sya ng halik sa kanyang labi .
Tumango naman ito sa akin .
" Tara baby , swimming tayo ! " pag-aaya ni Patricia kay Joshed.
Dali-dali namang lumapit ang bata sa kanya at hinila sya papuntang pool area .
" Mag-iingat ka anak " sabi ni nanay sa akin .
" Sama ako ! "
Napatingin ako kay Melia na naka ready na .
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )