Happy Valentine's Day 💕

740 77 17
                                    

"Sigurado ka na okay ka lang ? " tanong ulit ni Edward sa akin.  Pansin ko na kanina pa sya nag-aalala dahil sa akin.  Ngayon ko lang kasi ulit naramdaman to . Bigla nalang sumakit ang ulo ko at nahilo kanina sa loob ng restaurant . Muntikan pa akong matumba buti nalang at nahawakan agad ako ni Edward .

Kaya pag naramdaman ko ulit ito sa mga susunod na araw ay saka ako pupunta sa doctor ko para magpacheck up .

" Opo . Don't worry , okay ? Kailangan ko lang ipahinga to . " sabi ko at tsaka ako ngumiti sa kanya habang hinahaplos ng marahan ang kanyang pisngi .

" Oh sige . Pasok kana , para makapagpahinga ka na. Tawagan mo lang ako kapag nahilo ka ulit  , okay ? " sabi nya sa akin . Linapitan nya ako at binigyan ng isang matamis na halik sa noo ko .

" Yes boss . " mahinang sabi ko .

" Sige . Pumasok ka na . Hintayin lang kita na makapasok sa loob tsaka ako aalis . " utos ni Edward sa akin .

Lalo lang ako na maiinlove sa kanya kung ganito araw-araw ang ipapakita at ipaparamdam nya sa akin.  Baka hindi ko na kayang mawala pa ito ulit sa buhay ko .  Sa buhay namin ni Joshed .

Nung nakapasok na ako sa loob ng aming bahay ay napansin kong wala sila mama at Joshed pati si daddy.

Baka may pinuntahan sila .

Kaya pumanhik na ako sa taas  at pumasok sa loob ng kwarto ko .

Lumapit ako sa bintana at sinilip ko dito si Edward at nakita ko itong nakatayo sa gilid ng kotse nya.

Tumingala sya at nakita din nya ako . Sumenyas sya sa akin na mauuna na daw ito .

Tumango ako sa kanya at hinintay ko itong makaalis  bago ako humiga sa kama ko . Bigla akong napangiti sa naiisip ko , para kaming mga teen ager na nagkikita ng palihim .

Pagpikit ko ng mga mata ko ay agad akong nakatulog . Paggising ko ay hapon na . Dahil gutom narin ako ay bumaba na ako para kumain.

----------

" Kanina pang may tumatawag sa'yo , MaryDale, bakit hindi mo ito sagutin? " tanong ni mama nang mapansin nito na umilaw ang cellphone ko.

Agad kong nakita kung sino ito.

Si Edward . Andami nyang misscalled sa cellphone ko .

Pinindot ko 'yung kulay green .

" H-hello ? " pagsagot ko .

" Hello . Kanina pa ako tumawtawag sa iyo , bakit hindi mo sinasagot?" bungad agad sa akin ni Edward . Parang galit ang boses nya .

" Sorry. Hindi ko kasi napansin , napasarap kasi ang tulog ko.... at nakasilent din itong phone ko.  " sabi ko.

" Bakit nakasilent 'yang cellphone mo ? Paanu kung may emergency call ? " sabi nya . Pinapagalitan ba nya ako?

" Hindi ko naman ito sinasadya . " natahimik ako sa aking sinabi.

Ano bang klaseng rason yan MaryDale? sumbat ng isip ko .

" Ngayon lang naman to,  panay kasi ang tawag ni Patricia kanina. "  sagot ko .

Naiinis na ako , ang sarap kurutin 'yung bibig nya .

" Nagagalit ka ? " tanong nya .

" Hindi , baka ikaw! Mamaya ka na  tumawag .  Kakain muna ako . Bye ! " sabi ko at inis kong pinatay ang tawag nya .

Umilaw nanaman ang phone ko .

Si Edward ulit .

" Ano ? " inis kong sabi .

" Galit ka ? " tanong nya .

" Nakakainis ka kasi ! " sabi ko kahit wala namang nakakainis sa kanya .

" I love you.  Sorry , bati na tayo "

" Labas ka . " biglang utos nya sa akin

Agad ko naman itong sinunod.

Lumabas ako ng bahay at may isang bagay ang nahagilap ng mata ko .

Nasa gilid ito ng aming gate .

A bouquet of roses with teddy bear .

Kinilig ako.

" Nagustuhan mo ba ? " tanong nya sa akin .

" Oo . Salamat " nakangiting sabi ko at dinampot ko ang mga ito .

" But wait ... May isa pa akong gift sayo . Tingin ka sa kabilang daan " utos nya sa akin .

Lumawak ang ngiti ko sa nakita ko .

Lumapit sya sa akin .

" Syempre kasama ako sa gift mo.  " sabi nya sabay hawi sa ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mukha ko .

" Happy Valentine's babe . I love you . " bati nya sa akin at tsaka ako hinalikan sa labi ko .

------------



Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon