Maymay's POV
Pagkatapos kong maisilang ang anak namin ni Edward at medyo nakakarecover na from delivery ay nilipat na ako sa hospital room .
Nakatulog ulit ako at pagkagising ko ay si Edward ang unang nakita ko , nasa tabi ko siya at abalang nagbabalat ng orange.
Tinulungan niya akong makaupo ng tuwid sa kama at sinandal niya ako sa headboard nito matapos ay binigyan niya ako ng isang piraso ng orange .
" Thank you. " mahinang sabi ko.
Nag-uusap kami ni Edward habang hinihintay namin na dalhin nila dito si baby Elyana nang nakarinig kami ng isang katok sa pintuan .
Tumingin si Edward sa akin . Tapos hinawakan niya ang kamay ko.
" I think that the baby is here , babe. " na i-excite na sabi niya .
Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na karga karga ang anak namin. Tapos nilapit niya sa amin.
" Hi ma'am and sir. Here's your baby . " nakangiting sabi ng nurse at binigay niya si Elyana kay Edward.
Then I look at him at kumunot ang noo ko.
" Bakit babe ? " tanong ko nang makita kong may nalaglag na butil ng luha sa mga mata niya .
" Wala masaya lang ako , babe. " sabi niya sabay singhot tapos nginitian niya ako .
Pinunasan ko ang luha niya gamit ang daliri ko.
" H-hi baby. " sabi niya at dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko na hindi inaalis ang mga paningin niya kay baby Elyana.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hinawi ko ang blanket na nakaharang sa mukha ni baby Elyana para masilayan ko siya ng mas mabuti.
Napasimangot ako dahil ni isa ay wala siyang nakuha sa akin. Mata , ilong , bibig kahit kilay ay kay Edward lahat. In short ay xerox copy niya ang daddy niya.
" Patingin naman ng apo ko. " bungad ni mama at pumasok sila daddy, Patricia , nanay Maria at Joshed sa hospital room .
Inabot ni Edward si baby Elyana kay mama . Tapos nakitingin na din sila daddy , Patricia at nanay Maria. Si Joshed naman ay lumapit siya sa amin at nagpakandong siya kay Edward.
" May , kuhang kuha niya si Joshed. " sabi niya at ibig sabihin nun ay si Edward din ang kamukha ni Elyana kasi pati si Joshed ay xerox copy din niya ang daddy niya.
Napasimangot ulit ako.
" Oh bakit . Ayaw mo ba nun , babe ? Tsaka galingan mo kasi sa mga moves mo. Para may makuha naman sila sayo." biro niya.
Nginisian ko siya.
Nagtawanan naman ang lahat.
" Oh bakit hindi mo lapitan si baby , nak ? " baling ko kay Joshed.
Umiling siya .
"Bakit ayaw mo? Eh baby sister mo siya." tanong naman ni Edward.
" Nagseselos ka ba kay baby Elyana ? " tanong ko.
Hindi siya sumagot sa akin.
" Huwag kang mag-alala. Ikaw parin naman ang baby boy namin eh , kaso ngayon kuya ka na at ikaw ang mag-aalaga at poprotekta sa kapatid mo paglaki niyo. " paliwanag ko sabay angat sa baba niya at pinisil ko ito.
" Talaga mommy ? " tanong niya.
" Oo . Kaya smile ka na ha ?" si Edward naman ang sumagot.
Tumango si Joshed sabay ngiti at lumapit siya kay mama na nakaupo sa couch at sinilip niya si Elyana.
" Hi , Elyana. I'm Joshed. I'm your big brother. " malambing na pakilala niya sa sarili niya. Tapos tumingkayad siya para mahalikan niya si Elyana.
Napangiti naman ang lahat nang ngumiti si Elyana kay Joshed bilang pagtugon habang siya ay nakapikit .
" Mommy , can I take her ? " tanong niya.
" Yah sure. " sagot ko.
Tumayo si Edward at lumapit siya kay Joshed . Tapos inayos niya ito sa pagkakaupo sa couch. Ang dalawang paa niya ay nakatuwid habang magkadikit at nakasandal ang katawan niya. Matapos ay kinuha ni Edward si baby Elyana kay mama .
" Open your arms nak. "utos ko.
Yumuko si Edward at dahan-dahan niyang inabot si Elyana kay Joshed. Pagkaabot niya ay umupo si Edward sa tabi niya para maalalayan niya ito.
Napangiti naman si Joshed sa tuwa habang pinagmamasdan niya ang kapatid niya at dahan-dahang yumuko para magawaran niya ito ng halik sa noo .
Ang cute nilang pagmasdan. Kung hindi lang magkalayo ang agwat ng edad nila ay mapagkakamalang kambal sila ni Elyana.
----------------
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na sila mommy at daddy sa amin. Uuwi daw muna sila at babalik nalang daw sila mamayang gabi dito.
Naiwan naman sila Patricia at nanay Maria kasama ko.
Sila Edward at Joshed naman ay lumabas sila. Bibili daw sila ng pagkain sa baba.
" Patricia kunin mo na si Elyana kay nanay at baka nangangawit na siya. " sabi ko at agad naman niyang kinuha ang bata sa kanya.
" Ipahiga mo muna siya dito sa tabi ko. " sabi ko dahil tulog din naman siya at baka masanay pa sa karga si Elyana .
Gumalaw ng kunti si Elyana sa tabi ko nang biglang pumasok sila Edward at Joshed sa pintuan. Sunod na pumasok sila Marco at Marcus.
" Asan na ang baby ? " tanong ni Marco.
" Here. " mahinang sabi ko.
Lumapit sila para masilayan si Elyana.
" Pag laki nito magpapaiyak to ng maraming lalaki ." biro naman ni Marcus na kasalukuyang nakatingin kay Elyana.
" Buang ! " natatawang sabi ko.
" Pero pag to pinaiyak nila---" putol na nasabi ni Edward dahil siningitan siya ni Joshed.
" That's not going to happen, dad. " sabi niya.
Tumingin si Edward sa kanya.
" Why ? " sabi niya.
"Because I will punch them in the face . Like this ! " sabi niya at umakto siyang sumusuntok sa hangin.
Napatawa ang lahat at napuno ng halakhak sa loob ng hospital room.
----------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )