Wedding Invitation

1.3K 91 18
                                    

Maymay's POV

Tumagilid ako ng paghiga at pinagmasdan ang aking anak na mahimbing na natutulog.

" I love you baby ko . " marahan ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi at dahan dahang tumayo para hindi magising si Joshed .

Bumaba ako sa aming sala at tinungo ang aming kusina .

Nagtimpla ako ng aking kape at nagpalaman ng aking tinapay , pagkatapos ay umupo ako sa tabi ni Patricia .

" Si Joshed ? " tanong niya sa akin .

Tinuro ko sa taas .

" Tulog mantika pa " sagot ko sa kanya .

" Bibisita nga pala kami ni Joshed kela Mama " sabi ko sa kanya habang kumakain ng tinapay .

Bigla kong namiss si Mama at Daddy kaya parang gusto ko silang bisitahin ngayon .

" Sasama ako sa inyo " sabi niya sa akin .

Kunot noo akong tumingin sa kanya .

" Sinong magbabantay sa shop ? " tanong ko at humigop ng aking kape .

" Si Vivoree tyaka yung jowa niya .. si Steven. " rekomenda niya sa akin .

Sabagay mapagkakatiwalaan naman ang dalawang yun.

" Sige tawagan mo si Viv , titignan ko lang si Joshed sa taas " sabi ko sa kanya .

Tumayo ako at umakyat sa taas .

Pinihit ko ang doornob at sinilip ko si Joshed , gising na siya at tila nakikiramdam lang.

Bumaba siya sa kama at kinuha ang kanyang paboritong laruan na si spiderman.

Nagulat siya nang bigla akong pumasok sa loob ng aming kwarto .

Sa akin namana ni Joshed ang pagiging magugulatin niya .

" Hi .. Good morning baby ko " bati ko sa kanya ng nakangiti .

Napangiti din siya sa akin .

Binuhat ko siya at inayos ang kanyang buhok .

Bumaba kami at inupo ko siya sa tabi ng lamesa .

" Gusto mong Milk ? " tanong ko sa kanya .

Tumango siya sa akin .

" Opo Mommy "

" Anong sabi ni Viv ? " tanong ko naman kay Patricia .

" Okay daw " sagot niya sa akin habang abala ito sa pag fa-facebook .

" Ikakasal na pala si Patrick "biglang singit niya sa usapan namin .

" Oh ? " binuhat ko si Joshed at umupo kami sa tabi ni Patricia .

Nakisilip din ako sa screen ng kanyang cellphone.

" Oo tignan mo , pinost niya sa kanyang Facebook " binigay niya sa akin para matignan ko ito ng maayos.

Ikakasal na pala sila ni Christine .

" Kung hindi kayo naghiwalay ni Patrick , May... siguro kayo ang ikakasal ngayon " sabi niya sa akin .

Napatingin naman ako kay Joshed , buti nalang at abala ito sa pagsawsaw ng cream o sa kanyang gatas.

" Kung kami ang nagkatuluyan ni Patrick , wala akong Joshed ngayon " sagot ko sa kanya .

Napatingin kami pareho kay Joshed .

" Wala sana akong makulit na pamangkin ngayon na ang bukambibig lang ay star wars "

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon