Jealous

1.1K 73 15
                                    

Maymay's POV

" Hi Good Evening Dr. Pangilinan " nakangiting bati ko kay Doc . Nandito siya sa bahay nina Edward ngayon .

" Hi ..how's your first day working with my cousin ? " tanong niya sa akin sabay tingin kay Edward .

" O-kay lang naman Doc ..may kaartehan nga lang " pabulong kong sabi .

Natawa si Doc kaya napangisi si Edward sa amin .

" Totoo naman ah ! " sabi ko sa kanya .

" Mas maarte ka nga eh , pagbuhat nga lang nagrereklamo kana ! " sumbat niya sa akin .

" Asusssss ! Mabigat kasi yang bilbil mo baboy ! " asar ko sa kanya .

" Eh ikaw yang bunganga mo parang manok pwedeng pang alarm clock .. halikan kita dyan eh ! " halos pabulong niyang sabi .

Namula ako sa hiya. Hindi dahil kinikilig ako kundi dahil kanina pa nakikinig si Dr. Pangilinan sa bangayan namin ni Edward .

" Tapos na ba kayo ? " sabi nito na naka crossed arm at naka sandal sa gilid ng lamesa .

Hindi kami nakaimik .

Inabotan niya ng isang pirasong pizza si Edward pagkatapos ay ako naman ang kanyang binigyan .

" Shalamat Doc " pabebe kong sabi sabay tingin kay Edward na parang nang-iinggit .

" Masarap ? " tanong sa akin ni Donny .

" Eng sherep .. sebreng sherep ehe " pabebe kong sagot sa kanya at muling tumingin kay Edward .

Sinadya ko namang magtira ng dumi sa aking labi .

" May dumi ka sa labi mo " sabi ni Donny sa akin .

" Sheen ? pagkukunwari kong hindi ko ito alam .

Ngumuso siya kaya ginaya ko si Doc .

" Dete? " pabebe kong tanong sa kanya .

" Sa kabila " nakangiti niyang sabi sa akin .

Hindi ko agad nakuha kaya pinunasan ni Donny ang gilid ng labi ko .

" Ayan okay na " nakangiti niyang sabi sa akin .

" Shelemet Doc " nakangiti kong sabi sa kanya napatingin ulit ako kay Edward at nakita kong masama ang tingin niya sa amin ni Dr. Donny .

-------

Edward's POV

Eng sherep ...sebreng sherep ehe ! ginaya ko siya sa aking isip .

" W-water please " sabi ko habang umaaktong nabibilaukan .

" Nanay .. " tawag niya kay Nanay .

" Tubig daw sabi ni Edward " sabi pa niya .

Sinamaan ko siya ng tingin .

" Huwag na Nay , n-nawala na yung nakabara sa lalamunan ko " biglang bawi ko .

Nakita ko ulit na panay ang ngiti ni Maymay kay Donny .

Kunti na lang mapupunit na yang labi mo ! Tsss

" Ah May .. " tawag ko ulit sa kanya .

" Oh ano nanaman yun Edward ? " inis niyang sabi sa akin .

" Pakikuha nga yung Libro ko sa taas " utos ko ulit sa kanya .

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon