Wound Finger

965 80 39
                                    


" Hi po .. Ma'am , Sir .. M-magandang araw po sa inyong lahat " magalang nyang bati sa amin habang isa-isa nya kaming pinasadahan ng tingin at huminto ito kay Edward.

Napangisi ako . Mukhang malakas ang kalaban ko.

Matangkad sya , morena at pang model ang katawan nya . Sobrang ganda nya ngunit walang bakas na kaartehan sa kanya .

" Melia , si Edward nga pala . anak ng amo ko " pakilala ni nanay kay Edward.

Nakaramdam ako ng selos nang magkatinginan sila . Nakita ko ang pag-aalangan sa kanya .

Lumapit sa kanya si Melia at inilahad nya ang nakabukas nyang palad kay Edward .

" Hello po sir ...I-ikaw pala 'yong kinukwento sa akin ni tita. Ako nga pala si Melia " sabi nya.

Isang tipid na ngiti lang ang binigay ni Edward kay Melia at inabot nito ang kamay nya bilang pagtanggap. Iniwas ko ang mata ko dahil hindi kaayaaya 'yon sa paningin ko .

Tumingin sa akin si Melia.

" A-asawa mo sir ? " baling nya sa akin .

" Yah ..she's my wife and my son " baling nya sa anak namin na abala sa paglalaro ng kanyang laruan sa baba ng sahig at muling lumapit sa tabi ko si Edward .

Ngumiti sa akin si Melia kaya sinuklian ko din sya ng isang matamis na ngiti .

" H-hello po ma'am " bati nya .

" Maymay..." inilahad ko ang aking kamay sa harapan nya na tinanggap naman nya .

" Emelia Reyes " pagpapakilala nya .

Nagulat ako nang yakapin nya ako pero agad naman syang kumawala .

" Pleased to meet you " nakangiting sabi ko na lang .

Bumaling naman ng tingin si Melia kina Marco ,Marcus at kay Patricia na kakagising lang .

Nakatayo silang lahat sa baba ng hagdan at nasa amin ang kanilang atensyon.

" Hi ! " magiliw na bati ni Melia .

Nakipagkamay sya sa kanilang lahat . Binati sya ni Patricia bago sumunod na pumunta kay Marco .

" I'm Melia " pakilala nya.

" Yah , I know . I've heard that many times " walang ganang sabi ni Marco bago umalis at nagtungo sa kusina .

Walang modo talaga ang isang to .

" Oh , halika na Melia at nang makapagbihis kana , madami pa tayong gagawin " sabi ni nanay .

Nagpaalam sa amin si Melia at sumunod sya kay nanay .

Isa-isa ko namang pinulot ang mga damit ni Edward na nagkalat sa sahig at ibinalik ko ito sa taas , at isa isa ko itong isinuksok sa kanyang kabinet.

Inayos ko nadin ang kama nya .

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at pumasok dito si Edward .

Naglakad ito at pasalampak na umupo sa kama , saka humiga.

Bahagya pang tumaas ang kanyang puti na sando.

Napakamot ako ng noo ko na nakapamewang sa kanya habang pinagmamasdan ko itong nakahiga sa kama .

" Tumayo ka nga dyan ! " utos ko sa kanya saka hinila ang kamay nya .

Inaantok na tumingin ito sa akin .

" I'm sleepy , babe " sabi nya . Umayos sya sa pagkakahiga at niyakap ang isang unan at ibinaon nya ang mukha nya doon.

" Okay ! Matulog ka na muna , gigisingin nalang kita mamaya , kapag handa na ang pagkain natin " sabi ko .

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon