Matagal akong nakaupo sa bowl bago ako nagdisisyon na tumayo.
Humarap ako sa salamin at tinignan ko ang aking sarili dito. Hinugasan ko ang aking kamay bago ko inayos ang nagusot kong damit matapos ay inayos ko din ang aking buhok .
Muli kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin bago ako lumabas .
Pinupunasan ko ang basang kamay ko ng panyo nang nakasalubong ko si Edward.
" Bat ang tagal mo ,babe? " bungad niya sa akin.
Sasabihin ko ba sa kanya na nahilo nanaman ako ?
Ilang minuto din akong nag-isip bago ako sumagot sa kanya.
" S-sumakit kasi tong tyan ko. " pagsisinungaling ko sa kanya.
Nakita ko sa mukha niya ang pag-aala
" Pero okay na ako ." biglang bawi ko para hindi siya mag-alala.
" Sigurado ka ha ? " tanong niya sa akin pero pansin ko sa kanyang boses ang bahid ng pag-aalala.
" O-oo . Tara na baka hinahanap na nila tayo dun. " pag-aaya ko .
" Mauna kana doon , babe. Magpapalit lang ako ng damit ko , naiinitan kasi ako sa suot ko. " sabi niya.
Tumango ako sa kanya bilang pagtugon at lumabas ako sa kanilang bahay . Naglalakad ako patungo sa mesa namin kanina nang nakasalubong ko si Laura .
" Hi , Maymay. " nakangiting bati niya sa akin. May hawak itong isang baso ng wine.
Pinahinto niya sa paglalakad ang waiter na may hawak na tray na may laman na mga wine.
" Wine ? " alok na sa akin.
Umiling ako sa kanya .
" No . Thanks. " nakangiti paring sabi ko.
" Don't you drink wine ? " tanong niya.
" No, sorry . " sagot ko.
" Because of your job? "tanong ulit niya.
Nahihiya akong tumango sa kanya.
" Sometimes you must also drink alcohol. To chill. " sabi niya bago sumimsim ng wine sa kanyang baso.
Natigilan ako ng ilang minuto dahil wala akong maisip na pwedeng isagot sa kanya .
Tipid nalang akong ngumiti sa kanya.
Baka iniisip na niya na boring akong tao. Baka dahil dito ay hindi na din niya ako gusto para sa kanyang kapatid .
" Hey , don't worry . I still like you as my sister in law." nakangiting sabi niya .
"You've proved to me that you would be a good wife for Edward " sabi pa nito sa akin.
Dahil sa kanyang sinabi ay naramdaman ko na nag-init ang aking mukha.
" T-thank you. " nahihiyang sabi ko.
" You're welcome. " sabi niya pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin. Sinundan ko ito ng aking tingin habang naglalakad patungo sa isang mesa kung saan nakaupo sila tita Rose at tito Kevin .
Tumingin sa akin si tita Rose kaya mabilis akong nag-iwas ng aking tingin sa kanya. Parang hindi kayang tumagal ang mga mata ko sa kanya. Naiilang ako.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad at tumigil ako kela Vivoree at Steven , at umupo ako sa tabi ni Vivoree.
" Nasaan si kuya Edward , teh ? " tanong ni Vivoree sa akin nang makaupo ako.
" Nagpalit siya ng kanyang damit, bakit? " sabi ko.
" Magpapaalam sana ako na uuwi na kami ni Steven." sagot niya.
" Hintayin mo nalang siya . Baka papunta na yun dito" sabi ko.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas nang nahagip siya ng mga mata ko na papalapit sa gawi namin.
Hindi pa nakakaupo si Edward nang nagsalita si Viroree.
" Kuya uwi na kami. " paalam niya bago ito tumayo. Sumunod namang tumayo si Steven.
" Sige. Hatid ko na kayo sa labas . " sabi niya .
" Teka lang , babe. Hatid ko lang sila sa labas . " paalam naman ni Edward sa akin . Matapos ay hinatid niya ang mga ito sa labas .
Pagbalik niya ay sumalubong agad sa akin ang kanyang pabango.
Akma siyang uupo sa tabi ko nang lumayo ako ng bahagya sa kanya.
Napangiwi ako at nagtakip ng ilong .
" Nagpalit ka ba ng pabango ? " tanong ko.
" H-hindi. Bakit ? " kunot noo niyang tanong sa akin.
" Ang baho eh ! " pagmamaktol ko sa kanya.
Lumukot ulit ang kanyang noo.
" What ? M-mabaho ? "
Inamoy niya ang sarili niya .
" Hindi naman ah."
" Nababahoan ako eh. Palitan mo nalang ulit 'yang damit mo. " sabi ko.
" Ano bang nagyayari sa'yo at napaka insensitive ng pang-amoy mo . " tanong niya.
" I-i don't know. Basta magpalit ka nalang ng damit mo. " sagot ko.
Napakamot nalang siya sa kanyang batok . Tumayo ito at sinunod nalang ang sinabi ko.
-------------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )