Mad At Me

1K 91 15
                                    

Ihahanda ko muna ang mga lulutoin ko , tapos huhugasan ang mga gulay at hihiwain . Kasama na do'n ang sibuyas at bawang.

Sunod ay maghihiwa ako ng pork , ang iba ay pang beef steak at manok na pang chicken curry .

Pagkatapos ay igigisa ko muna ang bawang at sibuyas , sunod kong nilagay ang karne . Tapos ang mga gulay at naglagay ng kunting tubig , papakuloan ko muna ito ng ilang minuto .

Nasa sala naman si Edward , kasama niya si Donny , Marco , Patrick at Marcus . Masayang nag-uusap , nagtatawanan , umiinom ng in can beer habang hinihintay na maluto ang aming dinner .

Si Joshed naman ay nasa taas na't natutulog , kasama ang kanyang Tita Patricia.

Kumuha ako ng isda sa fredge , kinaliskisan ko ito at binigyan ng dalawang hiwa sa magkabilang katawan niya , at nilagyan ko ito ng pampalasa .

Nilagay ko na sa mainit na frying pan ang isda , tumatalsik ang mantika .

Kumakanta pa ako habang nagpriprito ng isda , dahan-dahan kong binabaliktad ang isda nang biglang may nagsalita .

" Bawal yan , kumakanta habang nagluluto " saad ng isang lalaki mula sa aking likuran.

Nagulat ako kaya nagalaw ko ang isda na naging dahilan ng pagtalsik ng mantika . Agad naman akong napaatras.

" Let me help you " sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin . Nakalihis na rin hanggang siko ang manggas na suot nitong long sleeved .

" Ay, h-huwag na Donny " pagtanggi ko sa kanya . Ngitian ko siya para sabihing " okay lang " .

Lumapit siya sa'kin at nakasandal sa tabi kung saan ako nagluluto. Nakatingin parin sa'kin si Donny habang nagpriprito ako .

Nagulat nalang ako ng akmang aagawin ni Donny sa akin ang syanse nang biglang may humawak sa braso niya .

Nag- angat kami ng tingin sa kanya .

" Why are you here ? " kunot noong tanong ni Edward sa kanya . Tinitigan niya ng masama si Donny bago binitawan ang braso niya .

" A-ahhh tutulongan ko sana si Maym--- " hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang may naamoy kaming parang nasusunog .

" Amoy sunog ! " sigaw ni Maro at Marcus na nagmamadaling lumapit sa akin .

Napatingin si Edward sa niluluto ko .

" Shiiit ! " pinihit ni Edward pababa yung pihitan ng stove para mamamatay yung apoy.

Sumilip naman si Patricia sa may pintuan ng kitchen .

Napatingin ako kay Edward at tumaas ang sulok ng labi niya habang umiiling iling ito sa amin .

Pinasadahan lang ako ng tingin ni Edward , pagkatapos ay tumalikod na siya sa amin .

Iika ika siyang naglakad , aalalayan sana siya ni Marco kaso pinigilan niya .

"No thanks! I can do it. Di kita kailangan " after nun ay tuluyan na siyang umalis at nawala sa paningin ko .

" Sasamahan ko lang siya " sabi ni Marco sa amin.

" Get some more beer Marco ! " sumunod nalang sa kanya si Marco . Agad niyang tinungo ang fredge at kinuha ang in can beer at nagpunta ng sala.

" He might be jelous " Patrick said . Napatingin kaming lahat sa gawi niya . He's standing on the edge of the door . Nasa tabi niya si Patricia , tahimik parin itong nakikinig sa amin .

" Jelous of what ? " tanong ko sa kanilang lahat .

Nagkibit balikat si Marcus sa akin .

" Baka hindi what , baka with whom " saad ni Patrick tapos Inginuso niya sa akin si Dr. Donny .

Kumunot ang aking noo .

Napakagat din ako ng aking kuko at tila nag-iisip .

Kung bakit kay Doc Donny at bakit selos ang kanyang naramdaman at hindi galit , at muntikan na kong makasunog ng bahay !

" I'm s-sorry..." mahina niyang sabi. Hindi ako umimik . Sandali siyang napakamot ng noo bago muling magsalita .

" I will explain it to Edward " dugtong niya , akmang aalis na siya ng hawakan ko ang kanyang braso .

" H-huwag na Donny " pigil ko sa kanya .

Wala siyang dapat ipaliwanag . Wala kaming ginagawang masama ni Donny .

" No ! I need to explain to Edward . Baka isipin niya na inaagaw kita sa kanya , gusto lang kitang tulongan kanina at hindi ko sadya na mahawakan ang kamay mo " paliwanag niya.

Nahawakan pala ni Donny ang kamay ko nang agawin niya sa akin ang syanse . Hindi ko man lang naisip na ito pala ang dahilan .

Kaya pala ganun nalang ang kanyang naging reaksyon kanina .

Gusto ko sanang matuwa sa nalaman ko ..kaso nakakatampo parin , di ko man lang nakita ang pag-aalala sa kanya . Psh !

" Sige May , puntahan lang namin siya doon " paalam ni Donny at Marcus sa akin . Tinanguan ko lang sila . Sumunod naman sa kanila si Patrick .

Kinuha ko ang palayok at nilagyan ito ng tubig na galing sa agos ng tubig na galing sa gripo at hinugasan ko ito ng mabuti at naghain na .

" Ako na May "
kinuha ni Patricia ang plato at kubyertos at siya na ang nag-ayos ng mga iyon.

Tinulongan niya ako sa paghahain. Tinikman niya ang mga putaheng niluto ko at parang nagustohan naman niya ito .

" Tawagin mo na sila " utos ko kay Patricia.

" Kain na ! " rinig kong sigaw ni Patricia sa kanila . Lumapit sa kanya si Marcus at inakbayan siya .

" Galit ka nanaman babe ! " pabirong sabi ni Marcus kay Patricia . Lumobo ang pisngi ni Patricia at parang nagpipigil ito ng kanyang kilig .

Pagkaupo ko ay tumabi sa akin si Patricia , umupo naman sa harap namin sila Marco at Donny. Tumabi si Marcus kay Patricia at umupo naman sa gilid ko Edward . Sa kabila naman si Patrick.

Tahimik lang akong kumakain habang sina Marcus , Donny , Patrick , Marco at Patricia lang ang nag-uusap tungkol sa pa party para kay Joshed. Halatang excited silang lahat sa mangyayari sa sabado.

Napatingin ako kay Edward na tahimik na kumakain.

Galit parin siya .

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi umimik si Edward. Kinakausap na siya ng kanyang mga kaibigan pero tanging tango lang ang kanyang sinasagot sa kanila.

Tumayo na sila at pumunta sa sala habang kami ni Edward ay naiwan sa pagliligpit.

Hinawakan niya ang basahan para magpunas ng lamesa . Napatingin ako kay Edward na nagpupunas ng lamesa .

Lumapit ako sa tabi niya . Hindi ito kumikibo kaya ako na ang naglakas ng loob para kausapin siya .

" Are you mad ? " tanong ko sa kanya .

Seryoso siyang umiling sa akin .

" Why would i be mad at you , eh wala namang tayo ? " pabalang niyang sagot sa akin .

" Anak lang naman ang meron tayo "

---------


Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon