He's my son

1.1K 90 29
                                    

" Mommy ! " rinig kong tawag sa akin ni Joshed.

Mula sa pagkakayuko ay unti unti akong napaangat ng tingin kay Joshed .

" Mommy ? " naiusal ni Edward kay Joshed na nakatayo sa harapan namin .

For a moment Edward looked confused, and then he look at me .

" Mommy " pag-uulit ni Joshed nang hindi ko siya sagutin .

" H-hi b-baby " nauutal ako .

" T-teka lang .. Anak mo siya ? " tanong sa akin ni Edward.

Napayuko ako .

" Y-yes Edward ..a-anak ko siya " nanginginig ang aking boses .

Halatang hindi makapaniwala si Edward sa narinig niya . Nakatulala lamang siya habang nakatingin sa aming anak .

" He looks like me.. " napatingin ako sa kanya at nakita kong may tuwa sa mata niya .

" Is he my son ? " nabigla ako sa tanong niya .

Napatango ako .

" I want to hear it from you...anak ko ba siya ? " diretsong sabi niya .

" O-oo " sabi ko at napayuko ako .

Lumukot ang kanyang mukha at dali daling niyakap si Joshed ng mahigpit .

Pumatak ang aking luha . Masaya ako sa nakikita ko .

" May ? .. Edward ? " boses 'yon ni Patricia . Napakalas ng yakap si Edward kay Joshed at sabay kaming tumingin kay Patricia.

Sa paglingon ko kay Patricia ay nakita ko ang pag-aalala sa kanya .

" S-sor .." pinigilan ko siya sa kanyang sasabihin .

" Ahhh baby Joshed go to your Tita Patricia muna okay ? May important things lang kaming pag-uusapan " sabi ko kay Joshed .

Tumango siya sa akin at bago umalis ay tumingin muna siya kay Edward at ngumiti .

Lumabas kami ni Edward , malapit sa parking lot.

--------


He already know . How can i explain ? I dont know where to start .

I swallowed a few times , along with the flow of tears on my two cheecks.

" I'm sorry Edward... I'm sorry ..im sorry for lyi " naputol kong nasabi.

" Damn you May ! Damn you !! " sigaw niya sa aking harapan.

Binuksan niya ang pintuan ng aking kotse , pumasok siya sa loob at padabog itong isinara.

Sumunod ako sa kanya .

" Ihatid mo na ako ! " sigaw niya sa akin .

Galit na galit siya , yung mga mata niya..nakakatakot.

Hindi ko naman siya masisisi . Dahil kasalanan ko to.

" You have no rights to do this to me !! .. Tandaan mo , ikaw ang sumira sa lahat ! Hindi mo ako pinakinggan nung gabing iyon , iniwan mo ako . Iniwan mo ako dahil lang sa maling akala mo ! "

Nalilito akong tumingin sa kanya .

" Yes May..mali lahat ng nakita mo . Noong gabing nahuli mo kami ni Jenny , walang paalam siyang pumasok sa bahay ko . Remember ... inutusan mo si Nanay na buksan niya ang gate at front door ng bahay namin kaya doon nakakuha ng tyempo si Jenny . She kiss me and I thought it was you so I responded her kiss at huli na nang nalaman kong hindi ikaw yun . " paliwanag niya.

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon