I'm Sorry

832 75 13
                                    

Maymay's POV

Nagpaalam na si Tanner sa akin na uuwi na daw siya at naiwan akong mag-isa dito sa room ko .

Nang sumagi nanaman sa isip ko si Lesly at kagabi pa akong nagugulohan sa sinabi niya sa akin.

Hindi ko siya maintindihan .

Kung bakit niya nasabi sa akin 'yun at kung bakit ganun nalang siya kagalit sa akin .

Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay pinikit ko ang aking mga mata at nagpasyang matulog nalang .

--------------

Edward's POV

Napasulyap ako sa relo ko nang pabalik na ako sa room ni Maymay at alas siete na pala ng umaga kaya umuwi nadin si Tanner .

Sila tita Lara ay mamaya pa daw sila makakapunta dito ,pati sila mommy.

Lumiko ako ng paglalakad nang napatingin ako ng derecho sa aking daan at may isang pigura ang nahagip ng mga mata ko na nakatayo sa tapat ng pinto ng room ni Maymay.

Binilisan ko ang paglalakad ko para mahabol ko siya nang nakahawak na siya sa seradura ng pinto at akmang bubuksan na sana niya ay hinigit ko ang kanyang braso tyaka ko siya hinila palayo at marahas ko siyang iniharap sa akin at tiningnan ko siya ng matalim at sinalubong niya ang masamang titig ko.

" Anong ginagawa mo dito Lesly ? " galit na tanong ko tyaka ko hinawakan ng mahigpit 'yung braso niya.

Nakita ko sa awra ng mukha niya na nasaksaktan siya kaya hinatak niya ng malakas ang kanyang braso sa kamay ko tyaka niya hinaplos ito at tumingin sa akin.

" Gusto ko lang magsor-- " naputol niyang nasabi nang muli akong nagsalita.

Umiling ako at ngumiti ng mapait sa hangin bago muling tumingin sa kanya.

"Sorry ? Mababayaran kaya ng sorry mo kung may masamang nangyari kay Maymay at sa magiging anak ko ? " nakangising sabi ko .

Yumuko siya bago umiling sa akin nang may bumagsak na luha sa kanyang mga mata.

" Hindi ko naman balak na gawin 'yang nasa isip mo. Gusto ko lang na saktan 'yung damdamin niya para maramdaman din niya itong sakit na nararamdaman ko. " umiiyak niyang sabi bago tumingin sa akin.

Nagugulohan ako sa mga sinasabi niya.

Hindi ko talaga makuha 'yung punto niya .

Kaya isa din 'yan sa mga iniisip ko kagabi.

Alam ko kasi na hindi niya magagawa to , kasi kung love ang rason niya ,malabo dahil siya ang may ayaw sa akin noon.

" Bakit ? " nakakunot na tanong ko tyaka ako tumingin ng nagugulohan sa kanya.

" Because... I love you,Edward . " nahihirapang sabi niya.

Kinagat niya ang kanyang lower lip para pigilan ang mga luhang muling nagbabadyang kumawala sa kanyang mga mata bago yumuko para itago sa akin ang kanyang mga nararamdaman.

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang gumaan ang aking dibdib kundi mas lalo akong nainis sa sinabi niya.

Kahit kailan kasi hindi pwede na maging excuse ang love para gumawa ng mali o masama.

"Mahal mo ako ? Alam mo ba nang dahil dyan sa pagmamahal mo kaya nandito si Maymay ngayon , dahil bawal sa kanya ang makaramdam ng sama ng loob .Tyaka panu kung hindi ko kayo naabutan dun ? Baka mas malala pa ang nangyari dahil sa lintik na pagmamahal mong 'yan ! " nagngingitngit na tanong ko sa kanya.

Napahinto siya sa aking sinabi at hindi siya makahanap ng isasagot sa akin.

" Tama diba ? Hindi lang 'yun ang balak mong gawin kay Maymay ,sa mag-ina ko. Kaya mas mabuti pang umalis ka nalang at huwag ng magpakita kay Maymay ! " sabi ko sabay hawak sa braso nya at muli ko siyang hinatak.

Nagpupumiglas siya at huminto sa kanyang paglalakad .

" Edward ,ano ba ! " sabi niya sabay bawi sa kanyang braso .

" Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya bago ang flight ko pauwing Germany. A-ayokong umalis dito na hindi nakakahingi ng tawad kay Maymay . " paliwanag niya sa akin bago hinawakan ang aking kamay .

" Please Edward ! " pagmamakaawa niya sa akin .

Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at  saglit na nag-isip . Huminga muna ako ng malalim bago ko siya muling hinarap.

"Okay. Hindi ko din gusto na may mabigat na nararamdaman si Maymay , alam kong ito din ang gusto niya ,ang makipag-ayos sa'yo. " maalumanay na sabi ko sa kanya at sinamahan ko siya kay Maymay.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip ako sa loob at nakita kong kasalukuya siyang nagpapahinga .

Pumasok kami sa loob at tumayo si Lesly sa tapat ng pinto , naglakad ako palapit kay Maymay ,at umupo sa tabi niya at hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan ko itong hinaplos.

" Babe . " mahinang sabi ko bago ko hinawakan ang kanyang pisngi sabay haplos nang dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Maymay , at nakakunot ang kanyang noo habang inaaninag ako.

Tumingin siya sa akin at tumagos ang kanyang mga paningin sa babaeng nakatayo sa aking likuran at muling tumingin si Maymay sa akin na tila tinatanong ng kanyang mga mata sa akin kung bakit nandito si Lesly.

" Gusto ka daw niyang makausap ,babe. " panimulang sabi ko .

" B-bakit ? " kunot noong tanong niya sa akin.

Napatingin si Maymay kay Lesly nang nagsalita ito.

" G-gusto ko sanang humingi ng tawad sayo , sa mga nasabi ko sayo . Kasalanan ko kung bakit ka---. " nanginginig ang kanyang boses

" O-okay lang 'yun Lesly. " dugtong niya na maalumanay at nakangiting sabi ni Maymay .

" Huwag na natin tong palakihin pa at kalimutan na natin yun . " nakangiti paring sabi ni Maymay sa kanya.

Lumapit si Lesly kay Maymay at niyakap niya ito.

" Thank you. " mahinang sabi niya .

Sinabi nadin ni Lesly kay Maymay ang buong dahilan kung bakit ganun nalang siya nasaktan , na sinakripisyo niya ang kanyang nararamdaman sa akin para kay Tanner.

Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na sa amin si Lesly . Mag-aayos pa daw siya ng kanyang mga gamit dahil mamayang gabi na pala ang kanyang alis papuntang Germany.

Until You're Mine Again ( BOOK TWO )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon