" Umuwi na pala si Edward ? " tanong ni mama sa akin .
" Dito na sana sya nagdinner habang inaantay nya si Joshed, pauwi na sila ni Patricia " rinig kong sabi ni mama mula sa likuran ko. Nakahiga kasi ako at nakatagilid kaya hindi nya alam kung tulog ba ako o hindi. Parang wala akong narinig sa mga sinabi nya. Pinikit ko ang mga mata ko saka umaktong natutulog.
Nang hindi ako sumagot kay mama ay lumapit sya sa akin at bahagyang sinilip at nakita nito na nakapikit ang mga mata ko. Hindi parin ako gumalaw para hindi nya mapansin na nagtutulog tulogan lang ako.
Naramdaman kong kinumutan ako ni mama ng isang makapal na comforter , at naglakad ito patungo sa pintuan at dahan-dahang isinara ang pinto.Nang masiguro kong wala na si mama sa kwarto ko ay iminulat ko ang aking mata.
Bakit hindi ka ba masaya Marydale na magkakarun kayo ulit ng anak ni Edward ? tanong ng aking isipan.
Masaya pero .. hindi ko kasi ramdam na tanggap ako ng pamilya ni Edward. Nararamdaman ko kasi na malamig ang pakikitungo ng mommy ni Edward sa akin. Parang hindi nya ako gusto para sa anak nya .
Yan lang ang naiisip mo sa ngayon kasi bago palang kayo nagkita at nagsama ng mommy nya . katwiran ng isip ko.
Kapag hindi mo sya ipinaglaban ulit...
Kakayanin mo kayang mawala ulit si Edward sayo ?
Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng isang buntong hininga.
Hindi ko kaya ..nagkamali ako noon ng naging dsisyon ko at nasayang lang ang tatlong taon na dapat ay kasama namin sya. Sagot ng kabila.
Kaya huwag mong madaliin ang lahat. Alam mo naman na there's no one else in his life but you , Maymay .
Kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako .
Nang nagising ako ay hating gabi na . Hindi na ako ginising ni mama , napatingin ako sa gilid ng kama ko at nakita ko dito si Joshed na mahimbing nang natutulog. Inayos ko ang kanyang kumot . Umupo ako nang makaramdam ako ng gutom. Bumaba ako sa sala at agad na nagtungo sa aming kusina para maghanap ng pagkain sa fredge.
May natira pang pagkain pero parang may iba akong gustong kainin pero hindi ko alam.
Sinubukan kong tawagan si Edward pero baka mahimbing na ang tulog nya ngayon .
Nagulat ako nang may sumagot sa tawag ko .
" H-hello babe" pagsagot nya . Pansin ko na paos ang kanyang boses at halatang kagigising lang nito .
Naistorbo ko ata 'yung tulog nya .
" Sorry nagising ata kita. " sabi ko .
Hindi ito nakasagot agad kaya pinatay ko ang tawag ko .
Umupo ako sa harap ng lamesa at hinimas himas ko ang tyan ko . Napasimangot ako .
Gutom na ang mga alaga ko sa tyan .
Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko .
Bushak!
Muntikan ko na itong maihagis sa sahig. Panu mag-isa kasi ako dito sa kusina tapos 'yung ringtone ko ay 'yung batang humahalakhak ng paulit ulit.
" Hello " pagsagot ko .
" Hello . Bat gising ka pa ? " bungad nya sa akin . Kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kanyang mukha ay alam kony salubong nanaman ang dalawang makapal nyang kilay.
" A-ano nakaramdam kasi ako ng gutom kaya bumangon ako para kumain sana kaso.... "
" Kaso ano ? Tyaka hindi ka ba kumain bago ka natulog kanina? " tanong ulit ni Edward.
" Hindi ... Pag-alis mo kanina ay agad akong natulog . "paliwanag ko .
" Eh anong pang ginagawa mo , bakit hindi kapa kumain dyan? Kaya sumasakit 'yang ulo mo eh , nagpapalipas ka ng gutom . " sabi nya na parang senesermonan nanaman ako.
" M-may pagkain dito pero hindi ito ang gusto kong kainin . " pag-amin ko.
Saglit na natahimik sa kabilang linya si Edward .
" Teka, ibibili kita ng pagkain mo .
Hintayin mo ako dyan . " seryoso nyang sabi at bigla nyang pinatay ang tawag ko.Hindi man lang nagdalawang isip si Edward , alam kong wala nang nakabukas na restaurant sa mga oras na to pero lumabas parin ito para lang ibili ako ng pagkain na gusto kong kainin .
Pero...teka, ano nga ba ang gusto kong kainin ?
-----------
BINABASA MO ANG
Until You're Mine Again ( BOOK TWO )
FanfictionI was blind all along . Hindi ko inakalang magagawa akong lokohin ni Edward - Maymay I will make you fall in love with me again MaryDale Entrata ~ Edward Barber #LILWMB book two ✌ ( COMPLETED BOOK )